|
||||||||
|
||
/PTNT/20141103.m4a
|
Ang pelikulang Black & White: The Dawn Of Justice ang ikatlong collaboration at ang ikalawang big-screen follow-up sa TV drama na nakakuha ng napakataas na rating sa Taiwan nang noong 2009. Dahil sa TV series na ito nakilala ang actor na si Mark Chao. Nanalo din siya ng Best Actor sa Golden Bell Awards, pantapat ng Taiwan sa Emmys. Nanalo din ang show ng Golden Bell para sa Best Drama at Best Directing para sa direktor nitong si Tsai Yueh Hsun.
Si Tsai Yueh-Hsun ay isang Taiwanese actor-turned-director. Siya rin ay three-time Golden Bell Awards winner, at siya ang nasa likod ng mga commercially successful at critically acclaimed TV series tulad ng Meteor Garden (2001), Known in the World (2003) at The White Tower (2006). Ang bawat drama na ito ay nagpanalo kay Tsai ng award para sa best directing for a television series sa Golden Bell Awards.
Bukod sa kanyang abilidad na balansehen ang commercial success at artistic quality ng isang TV program, si Tsai ay kilala rin sa kanyang matalas na mata pagdating sa pagkuha ng mga bagong artista. Higit dito, may kakayanan din siyang ilabas ang kanilang mga potensyal bilang mga artista. Halimbawa, ang male idol group na F4 ay naging huge sensation sa buong Asya dahil sa Meteor Garden. Ganito rin ang nangyari sa kaso ni Mark Chao dahil sa kabila ng pagiging newbie nanalo siya ng Golden Bell Best Actor Award with his career debut na "Black and White."
Sa simula ng Black and White TV series marami ang duda da kakahan ni Mark Chao para gampanan ang role ng isang righteous, hot-headed cop. Walang nakakikilala sa kanya at marami ang nagulat dahil napili siya na maging bida, That time, he was just this polite kid who returned to Taiwan from Canada with no acting experience. Pero may gut feel ang direktor ng si Tsai Yueh Hsun. Sabi niya sa mga detractors na wag nilang ismalin ang bagong aktor.
At muli ngang napatunayan ni Tsai ang kanyang magic sa pagpili ng karapatdapat na artista dahil matapos maging bida sa Black and White, si Mark Chao ay naging A-lister sa mga pelikula, starring in popular films gaya ng Taiwanese gangster film na Monga (2010) - kung saan nanalo si Mark Chao ng Asian Film Award for Best New Actor. Nagbida din siya sa romantic comedy na Love (2012), at ang hit na pelikula at directorial debut ni Vicki Zhao Wei na So Young (2013).
Sa third installment ng Black and White franchise, na pinamagatang Black & White: The Dawn of Justice, ang setting ng pelikula ay ang fictional metropolis na Harbor City. Simula pa lang may pa sampol na ng aksyong tatak ng Black & White series. Naganap ang series ng suicide bombings sa mga highway at tulay ng lunsod.
Under siege ang Harbor City at libo libong mga mamamayan ang biktima ng pag-atakeng ito. At nasa kamay ni Wu Ying Xion (Mark Chao) na iligtas ang Harbor City sa kamay ng mga terrorists na may kagagawan ng bombings at may bago siyang partner, an unpromisingly smug and smart-alecky cop na si Chen Zhen (Lin Gengxin).
Pakinggan ang pagtalakay ng mga moviebuddies sa Black & White: The Dawn of Justice sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo.
Sina Mark Chao at Huang Bo
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |