Special Powers, ibinigay ng Mababang Kapulungan sa pangulo
NAKAPASA sa House Committee on Energy sa botong 18 pabor, 1 kontra at isang walang boto ang House Resolution No. 21 na nagbibigay kay Pangulong Aquino ng dagdag na poder upang tugunan ang posibleng kakulangan sa kuryente sa tag-init ng 2015.
Naganap ang pagpapasa ng joint resolution patapos ang serye ng mga pulong ng Joint Congressional Power Commission at House Energy Committee bilang tugon sa pagsisiyasat na ginawa ni Speaker Feliciano Q. Belmonte Jr. at Majority Leader Neptali Gonzales II.
Hindi kasama sa resolusyon ang authorization sa pagbili ng dagdag na power generating capacity bagkos ay magpapalakas lamang sa interruptible load program.
1 2 3 4 5 6