Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, hindi maghahabol ng ikalawang termino

(GMT+08:00) 2014-11-19 17:12:18       CRI

Pangulong Aquino, hindi maghahabol ng ikalawang termino

IGINIIT ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na wala siyang balak na magkaroon ng ikalawang termino sa panguluhan matapos ang 2016.

Sa panayam sa The Economist sa Singapore, itinanong sa kanya kung bakit hindi na siya interesadong magkaroon ng term extension matapos niyang sabihing nais niyang buksan ang Saligang Batas upang susugan ang term limit ng pangulo.

Ipinaliwanag niyang ayaw niyang magkaroon ng panibagong Ferdinand Marcos na nagtagal ng higit sa 20 taon. Ani Pangulong Aquino magkakaroon pa rin ng mga taong handang bumitiw sa puesto. Mayroon ding mga tao, dagdag pa niya, na nag-iisip ng paraan upang manatili sa puesto.

Ayon pa sa pangulo, ang mga panukalang susugan ang Saligang Batas ay kagagawan lamang ng ilang grupo.

Tiyak umano ang kanyang pagbaba sa puesto at nagbibilang na lamang siya ng mga araw sa Malacañang. Sa katanungan kung ano ang kanyang gagawin matapos umalis sa puwesto, magpapahinga umano siya sa loob ng isang taong pagbabawal sa pagkakaroon ng anumang puwesto sa pamahalaang ipinatutupad sa lahat ng mga naging pangulo.

Nagpatuloy umanong tumulong ang kanyang namayapang ina sa pamamagitan ng micro-financing matapos siyang umalis sa panguluhan noong 1992.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>