Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Krimen at Terorismo, tinutugunan ng pamahalaan

(GMT+08:00) 2014-11-25 14:53:23       CRI

NANINDIGAN sina Major General Domingo Tutaan, Jr. ng Armed Forces of the Philippines at Sr. Supt. Roland Po, deputy chief ng Public Information Office ng Philippine National Police na tumutugon sila sa mga suliraning dulot ng krimen at terorismo.

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga, sinabi ni General Tutaan na may sapat na tauhan, programa at estratehiya ang pamahalaan upang makubkob o madakip ang mga nanggugulo sa kapayapaan ng bansa. Pinangalanan niya ang mga ito sa mga grupong New People's Army, Bangsamoro Independence Freedom Fighters at Abu Sayyaf. Ikinalulungkot lamang ni General Tutaan na walang kumukondena sa mga paglabag sa mga alituntunin ng pamahalaan at kagandahang asal ng mga rebelde. Ni wala umanong kumukondena sa mga pagpaslang na kagagawan ng mga NPA.

Ikinalungkot naman ni Gng. Teresita Ang See, founding chairman ng Movement for the Restoration of Peace and Order ang pagtawag sa mga Abu Sayyaf na mga terorista samantalang mga pawang pusakal na kriminal lamang ang mga responsible sa pagdukot sa mga walang kalaban-labang mga mamamayan. Samantala, sinabi naman ni Architect Ka Kuen Chua, Chairman ng Movement for the Restoration of Peace and Order na makabubuting magsuplong kaagad ang mga pamilya ng mga biktima ng kidnapping.

Inamin ni Architect Chua na biktima siya ng kidnapping at nanatiling nasa kamay ng kidnappers sa loob ng 17 araw. Mabuti na lamang at nailigtas siya ng PNP-PACER. Iminungkahi rin ni G. Chua na manatiling simple sa pamumuhay (ang mga mamamayan) at maging maingat sa paggamit ng social media, lalo na ang Facebook sapagkat binabantayan din ng mga sindikato ang mga nailalagay sa social media.

Sa panig ni Volunteers Against Crime and Corruption Chairman Dante Jimenez, isang pagpapakita ng problemadong justice system sa Pilipinas ang mga naganganap ngayon. Inihalimbawa niya ang paghahangad ng katarungan ng mga naulila ng Maguindanao Massacre na kinatagpuan ng 58 mga nasawing kinabibilangan ng higit sa 30 mga mamamahayag.

Sinabi naman ni Retired Commodore Rex Robles na makabubuting dagdagan ang budget ng AFP at PNP mula sa intelligence funds ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas. Ani Commodore Robles, noong panahon ni Pangulong Arroyo, mayroong P 1.2 bilyong pisong nakalaan sa intelligence funds ng administrasyon. Makabubuting hatiin man lamang ang halaga at bigyan ng tig-P300 milyon ang AFP at PNP upang mapalakas ang intelligence ng pamahalaan. Ang nalalabing salapi ay maaaring magamit sa pakikipagtalastasan sa iba't ibang pamahalaan upang mabatid kung saan nagmumula ang pondo at logistics na napakikinabangan ng mga kalaban ng pamahalaan.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>