Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hindi pa rin mapakikinabangan ang coconut levy fund

(GMT+08:00) 2014-11-26 18:13:10       CRI

Hindi pa rin mapakikinabangan ang coconut levy fund

MAY balak ang pamahalaan upang matulungan ang mga magsasakang umaasa sa niyog. Kinausap ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang mga kasapi sa grupong Kilus Magniniyog na nananawagang gamitin na ang coconut levy fund para sa kanilang hanay.

Hiniling din ng grupo na magkaroon ng isang executive order upang makauo ng isang coconut farmers' trust fund. Kasama sa pulong ang Presidential Assistant on Food Security and Agricultural Modernization Francis Pangilinan.

Ani Pangulong Aquino, hindi mapapakialaman ang pondo hanggang hindi pa nagdedesisyon ang Korte Suprema sa mosyon ng pamahalaan para sa partial entry of judgment at motion for partial reconsideration sa kasong Cocofed vs Republic of the Philippines.

Batay sa desisyon, ang 27% ng total capital stock ng San Miguel Corporation na binili sa paggamit ng coconut levy funds ay pag-aari ng pamahalaan at nararapat lamang gamitin para sa kapakanan ng mga magsasaka ng niyog at sa pagpapaunlad ng lokal ng coconut industry.

Ipinaliwanag pa ng pangulo na hanggang walang desisyon ang Korte Suprema, hindi mapakikinabangan ang salaping nakalaan para sa mga magsasaka at sa industriya.

Ani Pangulong Aquino, sa oras na magdesisyon ang hukuman, tanging ang interes ng salapi ang gagamitin para sa mga magsasaka at sa industriya.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>