|
||||||||
|
||
Melo 20141127
|
Ekonomiya ng bansa, bumagal sa pinakamababang antas
BUMAGAL ang ekonomiya ng Pilipinas sa pinakamatumal na kalagayan sa halos tatlong taon sa paglago ng Gross Domestic Product ng may 5.3% sa ikatlong kwarter ng taon.
Sinisisi ng mga opisyal ang pagkabalam ng mga kargamento sa daungan, mababang paggasta ng pamahalaan at mas mababang kita mula sa sektor ng pagsasaka mula Hulyo hanggang Setyembre. Ang GDP ang nagsusukat sa kabuuhang mga paninda at serbisyong mula sa isang bansa, tulad ng Pilipinas.
Sa isang press conference, sinabi ng Philippine Statistics Authority na ang ekonomiya sa ikatlong kwarter ng taon ang nagtamo ng pinakamabagal na paggalaw mula na maitala ang 3.7% growth sa ikaapat ng tatlong buwan ng 2011.
Inamin ni Socio Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan nab aka limitado sa 6 hanggang 7% ng GDP ang matatamo sa pagtatapos ng taon at mas mababa sa inakala ng pamahalaan na 6.5 hanggang 7.5% para sa taong 2014.
Ang Pilipinas ang ika-apat na pinakamabilis lumagong bansa sa rehiyon sa ikatlong tatlong buwan ng 2014. Sinusundan ng Pilipinas ang Tsina, Vietnam at Malaysia.
Ang GDP ng Pilipinas ay nakarating sa 7.2% noong 2013.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |