Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Katayuan ni Kalihim Ona, bitin pa rin

(GMT+08:00) 2014-11-29 10:53:52       CRI

Katayuan ni Kalihim Ona, bitin pa rin

PINAG-AARALAN pa ni Pangulong Aquino ang magiging katayuan ni Kalihim Enrique Ona sapagkat pinag-aaralan pa ang kanyang ulat hinggil sa pagbili ng may P 800 milyong halaga ng anti-pneumonia vaccines noong 2012.

Ayon sa mga balitang lumabas sa iba't ibang media outlet, sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na dinadagdagan ng kalihim ang kanyang bakasyon upang bigyan si Pangulong Aquino na pag-aralan ang mga report na kanyang ibinigay noon pa mang nakalipas na linggo hinggil sa pagbili ng Pneumococcal Conjugate Vaccine 10 sa halip ng mas murang PVC – 13.

Depende na umano kay Pangulong Aquino ang pagdedesisyon kung mananatiling pinuno ng Kagawaran ng Kalusugan. May requirements umanong hiniling si Pangulong Aquino kay Kalihim Ona.

Kumprimadong naibigay na ang mga hinihiling at sinusuri na ng pangulo. Tanging siya na lamang ang magdedesisyon, sabi pa ni Kalihim Valte. Hindi naman indefinite ang bakasyon ni Kalihim Ona.

Nagsisiyasat na ang National Bureau of Investigation kung bakit ang DOH sa ilalim ng liderato ni Dr. Ona ang bumili ng mas mahal na bakuna sa likod ng mungkahing ang mas murang bakuna na lamang ang bilhin.

Ayon kay Atty. Valte, nagka-usap nga sina Dr. Ona at Executive Secretary Pacquito Ochoa, Jr. Nagdesisyon si Dr. Ona na dagdagan ang kanyang bakasyon matapos ang pag-uusap.

Tumanggi si Atty. Valte na ihayag ang pinag-usapan ng dalawang kalihim.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>