![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
/PTNT/20141124.m4a
|
Si Mei Yuangui (Deng Chao) ay isang propesyonal na break up guru. Nakipag-date siya sa 76 babae at nakipag-break-up ng 77 beses. Kaya, alam na alam niya ang weak points ng mga mag-nobyo. Ang trabaho niya ay paglutas sa mga problema sa pag-ibig ng mga tao gaya ng break up, separation, divorce, at paghahati ng mga ari arian, salapi maging ang bahay pagkaran ng divorce. Nilikha ni Mei ang hindi malungkot na paraan ng break-up, at tinulungan niya ang mahigit 2,000 mag-asawa o magnobyo.Sa kanyang trabaho, nakita rin niya ang mga eksena ng pagkasira ng pag-ibig, at kalungkutan at kasayahan ng pag-ibig. Ang kaniyang komprehensibong paraan ng pakikipaghiwalay ay malawak na tinanggap ng mga tao, ilan sa mga customers ay geeks o mga dalubhasa sa iba't ibang larangan.
Isang araw, ipinasiya niyang itigil ang trabaho at natagpuan niya si Xiaochun (Yang Mi).
Si Ye Xiaochun ay isang simple at mabait na babae. Independent si Ye at napakasikap niya para matamo ang sariling pag-ibig at magandang hinaharap.
Nagkaroon si Mei ng crush kay Ye sa sandaling nakita niya ito at sinimulan ang panliligaw sa kanya.
Makikita ninyo sa pelikula ang mga malungkot, masaya, magulat, nakakatawa, at iba't ibang eksena kaya tiyak na hindi pagsisisihan ng mga manonood ang pelikulang ito.
Si Yang Mi
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |