Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Simbahan, tumutulong na sa mga nasalanta

(GMT+08:00) 2014-12-09 17:49:29       CRI

Simbahan, tumutulong na sa mga nasalanta

KUMIKILOS na ang National Secretariat of Social Action/Caritas Philippines sa pamamagitan ng Relief and Rehabilitation Unit. Sapagkat hindi kakayahin ng Diyosesis ng Calbayog ang pagtugon sa mga nasalanta ni "Ruby" nagdala ang mga taga Archdiocese of Palo ng 1,000 pakete ng relief goods na binubuo ng mga pagkain at mga kagamitan.

Mayroon ding posibilidad na tumuloy ang mga taga-Palo sa Boronga, Eastern Samar upang suriin at alamin ang pangangailangan ng mga binagyo. Ang Caritas Czech ang dumalo sa pulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sapagkat lahat ng parokya ay apektado ng bagyo. Magbibigay ang pamahalaang panglalawigan ng pagkain para sa may 52,491 pamilya. Pinamunuan ni Fr. Cesar Aculan, Calbayog Social Action Director, ang assessment teams at may komunikasyon sa Archdiocese of Palo. Mangangailangan sila ng shelter kits para sa mga naninirahan sa baybay-dagat.

Sa mga taga-Borongan, isang rapid assessment team ang ipinadala sa Taft kahapon samantalang isang koponan ang magtutungo sa Dolores kasabay ng pagdadala ng mga food pack sa mga apektado ng bagyo. Tutulong din ang mga kabilang sa Catholic Relief Services sa Tacloban sa Diocese of Borongan. Magpapadala sila ng 2,000 shelter kits sa susunod na tatlong araw sa oras na maipon na ang logistics.

Hiniling ng Caritas Manila sa Diocesan Social Action Center ng Tagum na dalhin sa Borongan ang supplies na nasa kanilang mga bodega sa Mindanao.

Sa Diocese of Maasin sa Southern Leyte, may 885 pamilya naman ang lumikas patungo sa 14 na parokya na karamihan ay nasa tabing-dagat. Ang mga naninirahan sa Limasawa Island ay lumikas tungo sa mataas na bahagi ng pulo. Ang mga taga Dawahum Island ay lumikas patungo sa mainland Leyte. Bumili ang Diocesan Social Action Center ng mga kailangan ng mga mamamayan.

Sa Diyosesis ng Gumaca, sinabi ni Fr. Antonio Aguilar na kailangan nila ng food packs partikular sa bayan ng San Andres, ang bayang nakaharap sa Burias Island ng Masbate.

Sa panayam, sinabi ni Fr. Aguilar na mayroong 722 pamilyang lumikas at nananatili sa evacuation centers. Ikinatuwa niya na walang nasawi sa kanilang nasasakupan.

Maganda rin pagtutulungan ng mga punongbayan at mga pari ng Diyosesis ng Gumaca. Sa Alabat, hindi na namili ng mga de lata ang pamahalaang lokal sapagkat ginamit na lamang nila ang mga alagang hayop at pinangasiwaan ng mga opisyal ng barangay ang pamamahagi ng makakain.

Nagdala rin ang Archdiocese of Cebu ng food backs sa mga taga-Bogo City kamakalawa pa upang matulungan ang mga nagsilikas. Sa Archdiocese of Capiz, may 2,000 food packs ang naihanda at 1,875 ang ipinadala sa mga biktima. SA Diocese of Kalibo, sa Aklan, may 2,000 food packs ang nadala na sa isang komunidad.

Ayon sa ulat ng NASSA, sa Virac, Catanduanes nakapaghatid sila ng pagkain sa 4,620 pamilya at naghanda naman ang Diocese of Libmanan ng P 100,000 para sa relief operations sa kanilang nasasakupan. Mayroon ding 1,000 foodpacks na inihanda at naipamahagi sa limang indigenous peoples' communities.

Sa Romblon, sinabi ni Fr. Joraype Flores na bumalik na sa kanilang mga tahanan ang mga sumilong sa mga simbahan, kapilya at matibay na mga tahanang malayo sa karagatan. Nangamba umano sila sapagkat noon pa mang nakalipas na Huwebes haggang kahapon ay nadama na nila ang hagupit ni "Ruby" kaya't marami sa kanilang mga kababayan ang nagutom.

Ani Fr. Flores, walang trabaho kaya walang kinita ang mga mamamayan. Ang mga apektado ay mga mangingisda, magsasaka, manggagawa at mga nagtitinda ng kung anu-ano. Ang pinakamalaking pinsala sa mga mamamayan ng Romblon ay ang kawalan ng kinikita na nauuwi sa pagkagutom.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>