Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

WOMEN WHO FLIRT

(GMT+08:00) 2014-12-09 11:25:32       CRI

Ang pelikula ay hango sa librong pinamagatang "Everyone Loves Tender Women," at ang pag atake ng director and co-writer na si Pang Ho-Cheung ay tila nasa pagitan ng kanyang naunang mga pelikula : ang magulong "Vulgaria" at ang mas mellow na "Aberdeen." Ito ay may '60s new-wave feel, na may mabilis na flashback, nakakahingal na transitions at pasaring sa mga ibang mga pa tweetums na pelikula.

Ilang beses nang napanood ng mga moviebuddies si Zhou Xun sa pelikula pero bago sa paningin ko ang makita siyang pa cute. Ito ay isang karakter na bihirang nakikita ng mga moviefans. At ito ang isa sa mga dapat abangan sa pelikuilang Women Who Flirt. Hindi matindi ang acting requirements ng pelikula dahil di naman ito heavy drama. Hindi rin ito pang award pero napaka charming naman ng kanyang pagganap kaya pwede niyang ipagmalaki ang pelikula.

Ang karakter ni Hailey ay ginampanan ni Sonia Sui na kilala natin sa The Fierce Wife drama at movie. Bagay sa kanya ang role na nagpakita ng pinakamasamang stereotypes sa mga Taiwanese women. Magaling ang paganap niya ng papel bilang helpless, hapless damsel kaya napasusunod niya ng walang reklamo ang boyfriend na si Marco.

Pagdating naman sa romantic couple pwede nang itapat ang tandem ni Angie at Marco sa isa pang hit an rom-com ang Love in A Puff at Love in a Buff kung saan napamahal sa mga fans ang karakter nina Cherie (Miriam Yeung) and Jimmy (Shawn Yue). Ang mga character nina Cherie and Jimmy ay mas well-rounded samantalang si Marco ay medyo hilaw o underwritten dahil ang script ay mas nagpokus kay Angie.

BUOD:

Women Who Flirt. Ito ay tungkol kay Angie (Zhou Xun) na may crush sa kanyang classmate na si Marco (Huang Xiaoming). Pero, Si Marco ay di pwedeng magka lovelife dahil mahigpit ang pamilya nito ay ang atas ay tapusin muna ang studies bago ang pakikipagdate. Kaya ang pobreng si Angie ay naging BFF na lang o Best Friend Forever. Pero hindi basta basta gi-give up itong ating bida na si Angie. Pagkatapos magtapos sa kolehiyo naghanap siya ng trabaho sa Shanghai. Bakit Shanghai? Syempre kasi andun din ang love of her life na si Marco. Sadly isang araw, matapos ang isang business trip bumalik sa Shanghai si Marco kasama ang bagong girlfriend na si Hailey (Sonia Sui).

Di padadaig ang ating heroine na si Angie. Hiningi niya ang tulong ng kanyang best friend na si May (Xie Yilin) at iba pang mga barkada na experts pagdating sa art of flirting. Overnight nag transform ang hitsuta ni Angie. Syempre total transformation ang kailangan para makatapat man lang sa mala-diyosang kagandahan ni Hailey … kaya pati ang kilos o demeanor at maging ang skills of seduction ay natutunan ni Angie.

Matapos ang "transformation project" ni Angie, unti unti nang napansin ni Marco ang dating kaklase. At unti unti na ring nagbabago ang kanilang BFF status to become "something more than friends" Kaso may kontrabida! Walang iba kundi si Hailey na hindi basta bastang bibitiw sa kanyang girlfriend-status. Ang romantic comedy na Women Who Flirt ay mula kay director Pang Ho-Cheung at ito ay isang makabagbag na kwento tungkol sa pwedeng gawin nating mga babae para makuha ang lalaking mahal natin.

Si Zhou Xun

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>