![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20141222.m4a
|
Ang Gone with the Bullets ay pelikulang naganap noong 1920s sa Shanghai. Ito ay batay sa true story. Si Ma Zouri (Jiang Wen) at Xiang Feitian (Ge You) at Wu Qi (Wen Zhang) ay may pinatatakbong notorious beauty pageant, ang "Flowers Competition." Ito ay isang front para sa money laundering operations ng grupo. Lahat ng mga mayayaman at may kapangyarihan sa lipunan ay dumadalo sa Flowers Competition. Pero ang di inaasahang pagkakapanalo ni Wanyan Ying (Shu Qi) ang nagbunsod ng mga trahedyang nauwi sa pagkasawi ng ilan at nagbago sa kapalaran ng ibang tauhan sa pelikula. Si Ma ang suspek sa pagkamatay ni Wanyan at tinugis isya ng pulis. At sa gitna ng kaguluhang ito, inilahad din ang kwento ni of Wu Liu (Zhou Yun) at ang pagmamahal nito kay Ma.
Masayang masaya tiyak ang cast at production staff ng Gone with the Bullets, lalo na ang direktor at lead actor nitong si Jiang Wen dahil nakapasa ang pelikula sa censors ng China. Nagbukas sa mainland ang pelikula nitong December 18 at ang premiere nito ay ginanap sa Olympic Stadium sa Beijing. Isang special 3D screening site ang itinayo para sa pelikula.
Lumilikha ng matinding antisipasyon ng pelikula. Ilang linggo bago ang opening ng pelikula, umabot na sa 300 million yuan (US$ 48.41 million) ang Internet presales ng official nationwide debut nito. At ang Imax presale para sa opening night ayon sa balita ay lampas sa current box-office leader na Transformers: Age of Extinction. Ang latest Transformers film ang first film ever na lumampas sa $300 million mark sa Tsina, samantalang ang Let the Bullets Fly naman ay kumita ng $117.5 million noong 2010.
Mataas ang axpectations kay Jiang Wen sa 3D epic film na Gone with the Bullets dahil sa naging tagumpay ng Let The Bullets Fly. Sa loob ng maraming taon si Jiang ay may bad boy image din dahil sa mga pelikulang ginawa niya gaya ng Zhang Yimou's Red Sorghum. Napaka colorful ng career niya at di nawala ang intiga dahil bilang isang direktor naman ang pelikula niya ay critically acclaimed pero shunned in China tulad ng In The Heat Of The Sun (1994) at ang Devils on the Doorstep (2000).
Come back film niya ang The Sun Also Rises at gumawa siya ng marka sa tulong ng Let the Bullets Fly. Ito ang patunay na tanggap na si Jiang ng Chinese audiences at nakamit na niya ang kanilang pagkilala na matagal na niyang inaasam.
Ano nga ba ang kaibahan ng Let the Bullets Fly sa Gone with the Bullets: Sagot ni Jiang ang Gone with the Bullets ay batay sa true story. Noong 1920s, sa Shanghai may isang beauty contest, pero ang winner ng contest ay aksidenteng namatay. Ang mga insidenteng ito ay yumanig sa Shanghai noong panahong iyon.
Si Jiang Wen ay actor and director. At sa pelikulang Gone with the Bullets nakita natin ang dual role niyang ito. Si Jiang ay nagsusulat din kaya napakarami niyang kayang gawin sa mundo ng pelikula. Sabi niya kung may nakakatagpo siyang magaling na direktor gusto niyang maging aktor. At kapag may nakukuha siyang magandang script gusto naman niyang maging direktor at aktor. Hindi problema ang bagay na ito para sa kanya.
Alamin ang iba pang detalye ng pelikula mula sa moviebuddies na sina Mac at Andrea sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |