Ang Blind Massage ay hango sa nobela ni Bi Feiyu na Massage ang pamagat. Walang iba kundi ang award-winning director na si Lou Ye ang gumawa ng film adaptation nito na nagbigay pansin sa buhay ng mga bulag at kung ano ang persepsyon nila sa kahulugan ng "kagandahan."
Kadikit ng pangalan ni Lou ang ilang mga pelikula na tumalakay sa "forbidden subjects" tulad ng gay sex at Tiananmen protests. Ang Blind Massage ay tungkol sa buhay ng ilang mga bulag na masahista na nagtratrabaho sa isang massage parlor sa Nanjing, China.
Ang Blind Massage was the toast of Taiwan's Golden Horse Awards at nanalo ito ng six honours. Ang critically-acclaimed Chinese-French drama, ay nanalo ng Best Feature Film, Best Cinematography, Best Adapted Screenplay, Best Editing and Best Sound Effects. At ang Actor na si Zhang Lei ay kinilala bilang Best New Performer for his role in the film. Kaso sayang dahil si Lou Ye ay natalo sa Best Director category ni Ann Hui para sa pelikulang The Golden Era, isang biopic sa Chinese writer na si Xiao Hong.
Sa Berlin Film Festival this year nanalo ang Bling Massage ng Silver Bear prize for Outstanding Artistic Contribution.
Alamin sa programang Mga Pinoy sa Tsina kung bakit umani ito ng maraming papuri.
Si Zhang Lei
1 2 3 4 5