Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga opisyal ng pamahalaan, binalaan tungkol kay "Seniang"

(GMT+08:00) 2015-01-02 16:59:39       CRI

NAGULAT si retired Admiral Alexander Pama, executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga balitang lumabas na hindi nasabihan ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan hinggil kay "Seniang."

Ayon kay Catbalogan City Mayor Stephany Uy-Tan, wala silang natanggap na anumang abiso tungkol kay "Seniang" kaya't may 20 katao ang nasawi sa pagguho ng lupa. Kung nakatanggap sila ng balita, nailikas nila ang mga mamamayan tulad ng ginawa nila ng dumaan ang bagyong "Ruby."

Sinabi rin ni Misamis Oriental Governor Bambi Emano na naiwasan sana ang mga nasawi at nasugatan kung handa ang pamahalaang pambansa.

Sa panayam naman sa telebisyon, sinabi ni Admiral Pama na naabisuhan nila ang mga opisyal ng pamahalaang lokal sa posibleng pinsalang idudulot ni "Seniang."

Inidaan nila ang impormasyon sa regional at provincial disaster officials patungo sa local government units sa tulong ng Department of Interior and Local Government.

Ipinaliwanag ni Admiral Pama na kung totoo ang mga impormasyon ng mga local government officials, pagbabalik-aralan nila ang mga kalakarang ipinatutupad ng pamahalaang pambansa.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>