Philippine Red Cross, nakatulong sa higit sa 3,000 katao
NAKATULONG ang mga tauhan ng Philippine Red Cross sa mga dumalo sa iba't ibang okasyong may kinalaman sa pagdalaw ni Pope Francis. Sa kanilang datos mula noong ika-15 hanggang kaninang ikalawa ng hapon, may 3,306 katao ang kanilang natulungan sa Tacloban City at iba't ibang bahagi ng Metro Manila.
Nakapagdala rin sila ng ilang mga nahilo sa mga pagamutan. Ang karaniwang rekalmo ay pagkahilo, kawalan ng sapat na hangin, pagdurugo ng ilong, pagkakasugat at iba pang karaniwang sakit.
1 2 3 4 5 6 7 8