Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

China (Huairou) Film and Television Industry Park

(GMT+08:00) 2015-01-20 16:59:00       CRI

Sa halip na pelikula, dinalaw ng mga movie buddies na sina Mac at Andrea ang China-Huairou Film and Television Industry Park. Nasa dakong hilaga ng Beijing ang Huairou District. Mula po CRI Studios sa Shijingshan District, Beijing, 90 kilometers ang layo ng Huairou Film Base at umabot sa 2 oras ang byahe patungo sa lugar na ito.

Pioneer ang Huairou sa larangan ng paggawa ng pelikula at TV kaya sa kasalukuyan ito ay kilala bilang Film Capital of China. Sa distritong ito itinatag ang isang komprehensibong propesyunal na service system at sa ngayon ay nangunguna ito sa industriya ng Tsina.

Meron itong Film Producers Base kung saan nagshu-shooting para sa mga pelikula. Ang Cineaste Garden Hotel para sa mga cultural events, film premieres at maraming industry related events. Meron din Vintage Car Museum para sa mga lumang mga kotse na ginamit sa mga pelikula. Syempre dahil high tech na ang industriya, di pwedeng mawala ang Huihuang Baidai Digital Studio.

May mga eskwelahan din sa Huairou para sa arts tulad ng Baihui Art Performance School at China Film School. Importante ang props sa paggawa ng pelikula at mga TV shows kaya makikita rin sa lugar ang IHAC Handicraft Village.

Ang Baihui Art Performance School

Vintage Car Museum

Sa Huairou rin ginanap ang Bejing Film Festival for Youth Welfare, Beijing International Cultural and Creative Industry Expo, at dito rin ginanap ang closing at award ceremonies ng Beijing International Film Festival.

Nagkaroon ang mga movie buddies na makita ang ilang mga costumes na ginamit sa big film productions. Una na po dito ang Curse of the Golden Flower. Naka display dito ang costumes na isinuot sa nina Chow Yun Fat , Jay Chou at iba pang mga bida. Makakabilib ang costume ni Chow Yun Fat. Ang role niya ay isang emperor at ang kanyang damit ay nakadisplay sa film base. Ayon sa tour guide, ito ay gawang kamay at hinabi gamit ang gintong sinulid. 1 Milyong Yuan RMB ang halaga nito at ang bigat ay 80kg.

Makikita sa gitna ang kasuotan ni
Chow Yung Fat sa Curse of the Golden Flower na nagkakahalaga ng 1M Yuan RMB

Costume ni Jay Chou sa pelikulang Curse of the Golden Flower na idinerehe ni Zhang Yimou

Costume ni Gong Li sa pelikulang Curse of the Golden Flower na idinerehe ni Zhang Yimou

Ang costume ni Jay Chou ay ginto din ang motif. Kumpleto pati headress na may lion at armor plates. Nakakamangha ang pagiging detalyado ng mga costumes na ito. Hindi tinipid. Careful attention to detail dahil ito ay isang period film.

Alamin ang iba pang mga atraksiyon sa China (Huairou) Film and Television Industry Park sa episode na ito ng Pelikulang Tsino Nood Tayo.

Mga kasuotang ginamit sa pelikulang Confucious

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>