Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

LOVE ON THE CLOUD

(GMT+08:00) 2015-01-27 17:56:51       CRI

Ang Love in the Cloud ang unang commercial comedy sa loob ng 30 taong career sa showbiz ni Gu Changwe. Ang 57 year old na filmmaker ay kilala sa kanyang art-house movies, gaya ng Berlin Silver Bear winner na Peacock (2005). Unaasa siyang ang kanyang pelikulang comedy ay makapagbibigay ng pag-asa sa mga taong nahihirapan sa kanilang pamumuhay sa malalaking mga lunsod.

Aniya, " Sa pelikula ang bawat tao ay naghahabol sa kanyang pangarap at talagang kumakayod para sa mas mabuting buhay. Kahit na ito ay isiang comedy sana ang mga manonood ay maantig sa ilang mga eksenang may kurot sa puso. "

Para sa mga film afficionados na gustong malaman ang filmography ni Gu Changwe. Sinimulan niya ang kanyang career matapos siyang magtapos kasama ang mga legendary members ng Class 82 ng Beijing Film Academy. Ang grupong ito ay kilala sa Tsina bilang 5th Generation of Directors. Siya ay isang bihasang cinematographer at nagsanay siya sa Xi'an Film Studio matapos magtapos sa kolehiyo.

Sa Xi An Film Studio madalas niyang nakatrabaho ang mga classmates na sina Chen Kaige at Zhang Yimou.Kabilang dito ang King of the Children ni Chen Kaige at Red Sorghum ni Zhang Yimou. Ang mga pelikulang ito ay lumabas noong 1987. Mula noon, madalas na nakatrabaho ni Gu ang dalawang sikat na direktor. At isa sa pinaka matagumpay nilang collaboration ang Farewell My Concubine na ipinalabas noong 1993. Gaya ng fellow cinematographer na si Zhao Fei, si Gu ay nagkaroon na rin ng pagjkakataon na nakatrabaho ang ilang mga batikang American directors l gaya ni Robert Altman para sa pelikulang The Gingerbread Man noong 1997.

Simula noong 2005, si Gu Changwei ay sumubok na mag-direk ng pelikula at ang kanyang debut ay Peacock, a three-hour-long epic about a small family in the 1970s and 1980s. Matagumpay ang pelikula at pinuri ito sa showbiz ng mga kritiko. Nanalo ito ng Jury Grand Prix-Silver Bear sa 2005 Berlin International Film Festival. At ang kanyang ikalawang pelikula naman ay lumabas noong 2007 na pinamagatang Spring Comes.

Plot ng Love on the Cloud

Ang cast ay kinabibilangan nina Angela Baby, Michael Chen, Edward Zhang, Cao Lu at Wenli Jiang

Sa simula ng pelikula ipinakita ang tatlong magkakaibigan, mga would-be filmmakers na bagong salta sa Beijing. Naghahanap sila ng producer para sa pelikula nilang Living with the Werewolf at nilapitan nila si Ms. Ma (Heidi Wong). Sa grupo ang writer ay si Sha Guo (Michael Chen), cinematographer ay si Ma Dai (Cao Lu), at ang director/star ay si Huang Xiaogang (Edward Zhang).

Nagustuhan ni Ms. Ma ang konsepto. Pero mas magugustuhan niya ang pelikula at popondohan ito kung ang produkto ng kanyang company na Little Bull Beef's ay isasama sa plot. Ibig sabihin nito rewriting time para kay Sha Guo.

Naging pokus din ng kwento ang paggamit ng mga karakter ng Wechat app at sa tulong nito nakilala ni Guo si Chen Xi (Angelababy), isang gorgeous model. Habang abala sa kanyang rewriting, welcome destraction si Chen Xi sa buhay ni Sha Guo. At ito na rin ang naging love interest niya sa pelikula.

Di lamang product placement ang request ni Ms. Ma. Demanding ang producer at hininging gawan ng role ang isang sikat na artista kahit na di naman ito kailangan sa kwento. Sa dami ng mga demands ang dream movie ng tatlo ay unti unting nagbago at lumaki ng lumaki ang budget ng kanilang project.

Medyo may ilang patama ang pelikula sa tunay na galaw sa showbiz di ba Ate Mac? Di ako sure kung talagang ganito ang intensyon ng direktor ng movie na si Gu Changwei. Hindi maikakaila na maraming mga konsepto ang nawawala sa orginal script kapag ipinasok ang mga elemento para pataasin ang commercial viability ng pelikula.

Si Chen He

Si Angelababy

1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>