Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Fantasia

(GMT+08:00) 2015-02-03 17:47:18       CRI

Ang Fantasia ay pelikulang tungkol sa masalimuot na buhay ng isang pamilya matapos magkasakit ang padre de pamilya ng cancer. Sa Chongqing nakatira ang familya Si Zhao (Zhang Xu) ay isang manggagawa sa Guangming Gear Factory at sa kasamaang palad ay nagkasakit siya ng leukaemia. Kailangan makakalap ang pamilya ng RMB21,000 o PHP147,000 para siya ay makapagpagamot at masalinan ng dugo.

Para makaipon ng pera ang asawang si Tang Min (Su Su) na dating singer sa isang performing troupe at nagtitinda ng dyaryo at naglilibot ng gatas sa mga kapitbahay. Lumalala ang sakit ni Zhao hanggang sa dumating ang punto na ito ay nawalan ng malay at naospital.

Hirap talaga ang buhay ang pamilya at lalong nalugmok ang kanilang kalagayan nang biglang bawasan ng factory ang tulong medikal para kay Zhao. Para magkaroon ng dagdag na kita napilitang magbenta ng dugo si Tang Min. Samantalang ang dalagang anak Zhao Xingqin (Joyce Jian) ay nagtrabaho bilang hostess KTV. At ang anak na lalaki naman na si Zaho Lin (Hu Ruijie) ay napilitang mag drop-out at nawalan ng direksyon ang buhay

Walang gamot ang leukaemia ni Zhao. At wala ring nalapitan ang pamilya para hingan ng tulong. Dahil sa nakalulungkot na kalagayan ang bunsong anak ay nagkubli sa kanyang sariling malapantasyang mundo. Ang pelikula ay ginanap sa Chongqing. Makikita dito ang isang makabagong lunsod na may sariling natatanging landscape na puno ng matatayog na gusali. At sa pelikula makikita ang pampang ng Yangtze River na puno ng mga nasabing modernong mga gusali at nakakaakit na maliwanag na ilaw na tumatabon din sa mga lugar na pimamumugaran ng taong kapos-palad.

Kilalanin ang multi-awarded 6th Generation Chinese filmmaker na si Wang Chao sa programang Pelikulang Tsino, Nood Tayo at alamin ang mga detalye ng Fantasia kasama ang mga movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah.

Ang bidang babae na si Hu Ruijie at ang direktor na si Wang Chao

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>