Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Coming Home

(GMT+08:00) 2015-02-11 16:58:29       CRI

Pelikula ni Zhang Yimou ang Coming Home. Ito ang ikalawang collaboration ni Zhang Yimou at ng novelist na si Yan Gelling. Ang una ay ang Flowers of War three year ago. Ang Coming Home ay reunion nina Zhang Yimou at ng kanyang muse na si Gong Li. Magkasama ang dalawa sa maraming mga film projects pero pinaka notable ang mga unang pelikula nila na critically acclaimed tulad ng Raise The Red Lantern at ang Red Sorghum. Sa Coming Home talagang back to basics ang approach ni Zhang Yimou, kasama ang kanyang "muse" ay nag pokus siya na takbo ng kwento at ang makatotohanang pagpapakita ng maemosyong relasyon sa pagitan ng isang pamilya.

Ang pelikula ay batay sa huling 30 pahina ng nobelang "The Criminal Lu Yanshi" ni Yan Geling. Ang "Coming Home" ay pinagbibidahan nina Gong Li and Chen Daoming at ang kwento ay tungkol sa isang intellectual o taong may mataas na pinag-aralan na sinubok na balikan ang kanyang asawa matapos siyang lumaya sa labor camp noong dekada 70. Pero sa kanyang pagbabalik nadiskubre niyang nagka-amnesia ang kanyang asawa.

Ayon kay Yin Hong, Propesor sa Tsinghua School of Journalism and Communication na sa pelikulang ito, hindi gumamit si Zhang Yimou ng mga nakakamanghang scenes para mapabilib ang mga manonood. Sa halip sinubukan niyang ilahad ang mga damdamin ng karakter sa paraang estetiko.

Kaya maaring sabihing mula sa landas ng komersiyalismo at konsumerismo, bumalik na si Zhang Yimou sa kanyang pagbibigay pugay sa sining at esensya ng sining ng pelikula, dagdag ni Propesor Yin.

Mula 2002 gumawa si Zhang Yimou ng mga commercial films tulad ng Hero, pelikulang may highest box office sales sa Tsina. Dagdag pa rito ang mga high budgetted na martial arts films tulad ng House of Flying Daggers noong 2004 at Curse of the Golden Flower noong 2006

Sinabi naman ni Zhang Yiwu, profesor mula sa Peking University na ang suffering or paghihirap nina Lu Yanshi at Feng Wanyu, mga bida sa Coming Home ay pagsubok ni Zhang Yimou na bumalik sa kanyang tunay na istilo. At dahil si Gong Li ang gumanap sa female lead sa mga matagumpay na art films ni Zhang Yimou noong araw, di pwedeng mawala si Gong Li sa kanyang pinakabagong art film.

Batay sa tunay na buhay lolo ng nobelistang si Yan Geling ang kwento ng Coming Home. Nadiskubre ni Yan Geling ang maraming mga liham at diaries ng kanyang lolo habang ito ay nakakulong. Pero inalis niya syempre yung mga sensitibo at mapuitikang parte ng nobela at ginamit ang huling bahagi ng nobela. Ang script ng pelikulang Coming Home ay dalawa at kalahating taon isinulat ni Zou Jingzhi.

Si Zhang Yimou ay kilala sa pagdiskubre ng mga bagong artista. At sa Coming Home, si Zhang Huiwen ang new star. Isang taon ang iginugol para hanapin ang artistang gaganap sa papel ni Dan Dan. Ani Zhang Yimou kailangan innocent pero stubborn at headstrong ang taong ito para magampanan ang karakter. Si Zhang Huiwen ay isang dance student at di pa lumalabas sa pelikula. At isa at kalahating taon ang iginugol niya para paghandaan ang role. Kumuha rin sila ng ballet teacher para ituro day Zhang Huiwen kung paano gamitin ang kanyang mga mata sa pag-arte. Yan si Direk Zhang Yimou, always on the look our for fresh talent mula kay Gong Li to Zhang Ziyi to NiNi to Zhang Huiwen.

Alamin ang iba pang mga detalye ng Coming Home sa programang Pelikulang Tsino, Nood Tayo kasama ang mga movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah.

Si Gong Li

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>