Eagerly anticipated ang pelikula ni Jackie Chan na Dragon Blade. Ito ay isang semi-historically based movie na batay sa mga Roman artifacts na nakita sa Gansu region noong panahon ng Han Dynasty. Si Daniel Lee ang Director ng Dragon Blade. Kabilang sa kanyang body of work ay ang White Vengeance (2011), 14 Blades (2010), at Three Kingdoms: Resurrection of the Dragon (2008). May common denominator ang kanyang mga pelikula, lahat ay tungkol sa power struggle. Sa kasalukuyan, ang Dragon Blade ay tinuturing ng biggest budgetted Chinese film. US$ 65million ang ininvest ng Beijing Cultural Assets Chinese Film and TV Fund sa pelikula, co-investors ang China's Sparkle Roll Cultural Media, Huayi Brothers Media, at Shanghai Film Group.
Bukod sa superstar na si Jackie Chan kasama sa Dragon Blade sina John Cusack na gumaganap sa papel na Lucius, isang Roman general na tumakas sa kanyang kalabang si Tiberius papel ni Adrien Brody. Si Jackie Chan naman ang gumanap sa papel ni Huo An (Jackie Chan) komander ng Protection Squad ng Western Regions ng Han Dynasty at na frame sa krimen na di naman niya ginawa. Nagkita ng dalawa sa Western Desert at isang ma-aksyong kwento ang magaganap para protektahan ang Han Dynasty sa palusob na mga Romans. Kung mapapanood ang trailer, parang wala itong pinag-iba sa nakagawiang historical epic. At parang Chinese version ito ng movie na 300. Nabanggit na earlier ang 3 big names ng pelikula na sina Jackie Chan, John Cusack at Adrien Brody. Kasama rin sa cast sina Lin Peng, Choi Siwon ng Korean idol group na Super Junior, Amada Wang, Lorie Pester, Vaness Wu mula Taiwan at si Jozef Waite bilang Prince na iniligtas ni Lucius.
Alamin ang iba pang detalye ng pelikulang Dragon Blade mula sa movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah.



1 2