Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wolf Totem

(GMT+08:00) 2015-03-10 16:11:21       CRI

Ang Wolf Totem ay isang Chinese-language film na batay sa nobela ni Jiang Rong. Ito'y semi-autobiographical na aklat na isinalin sa wikang Ingles at Pranses. Ang direktor ng pelikula ay si Jean-Jacques Annaud. Noong araw hindi maganda ang relasyon ng direktor sa Tsina dahil sa pelikulang Seven Years in Tibet. Hanggang sa kasalukuyan ang pelikula ay banned pa rin sa Tsina.

Ipinalabas ito noong 1997 film, starring Brad Pitt at ang pelikula ay tungkol sa isang Austrian mountaineer at ang kanyang karanasan sa Tibet mula 1944 hanggang 1951. Ipinakita rin sa pelikula ang kanyang ugnayan sa batang 14th Dalai Lama. Ang Seven Years in Tibet ay pinuna ng pamahalaan ng Tsina at ang naging resulta ay ang ban kay Brad Pitt at kay Annaud sa Tsina.

Pero alls well that ends well dahil ipinagkatiwala ng Beijing Forbidden City Film Corporation, China Film Group and French-based Reperage ang production ng Wolf Totem. Umabot sa US$40 million ang budget ng pelikula.

Sa interview ni Annaud sa Reuters sinabi niyang "What I can say is that I had carte blanche at every level until this day. The movie you see is the same movie I cut," Ibig sabihin hindi ito pinutol ng censors o hindi rin binago ang screenplay nito. Dagdag ng French director and I quate "Definitely, in order to achieve soft power, there will be a need to allow artistic freedom,"

Isa sa mga dahilan kung bakit kinuha si Jean Jacques Annaud ay dahil may karanasan siya sa paggawa ng pelikula tungkol sa mga hayop. Bilang paghahanda, inalagaan nila ang wolf cubs o mga baby na lobo at isang Canadian animal trainer ang nakatutuok sa kanila para ihanda sila para sa paggawa ng movie. Isang taon ang itinagal ng shooting ng Wolf Totem sa Inner Mongolia.

Ang kwento ng Wolf Totem ay nagsimula sa Inner Mongolia noong 1969. Isang batang Chinese student na si Chen Zhen (Feng Shaofeng) ay ipinadala mula Beijing papunta sa Inner Mongolia para turuan ang mga pastol. Sa halip siya ang natuto tungkol sa malalim na ugnayan ng gma pastol at mga lobo.

Si Jean Jacques Annaud ay Academy award winner at kilala dahil sa kanyang mga pelikulang "The Bear" (1988) at "L'amant" (1992). He also directed The Name of the Rose, starring Sean Connery, Enemy at the Gates, starring Jude Law and Joseph Fiennes, and The Lover, starring Tony Leung and Jane March. 2009 tinaggap niya ang Wolf Totem project pero July 2012 nagsimula ang shooting ng pelikula. Hindi madali ang gumawa ng pelikula na kasama ang hayop kaya isa mga preparasyon ng pelikula ay ang pagtuturo sa mga young wolves o wolf pups para sa pelikula.

Alamin ang iba pang mga detalye ng Wolf Totem sa programang Pelikulang Tsino, Nood Tayo kasama ang mga movie buddies na sina Mac at Andrea.

Si Feng Shaofeng

Si Do Xiao

Si Angha Nima

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>