![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20150309.m4a
|
Ang direktor ng Somewhere Only We Know ay si Xu Jinglei at ang screenplay naman ay isinulat ni Wang Shuo. Ang pelikula ay naging Valentines Day offering sa mainland at kumita ito ng US$44.3 million sa box office.
Ang buong pelikula ay kinunan sa Prague, Czech Republic.
Ang writer na si Wang Shou ang same writer ng movies na "If You Are The One" and "Personal Tailor." Ang mga pelikulang ito ay natalakay na rin namin sa aming programa in the past.
And director ng Somewhere Only We Know ay kilala sa Chinese film industry bilang isa sa "Four Dan Actresses"
Napakahaba ng listahan ng mga movie projects at roles bilang actress ni Xu Jinglei. At bilang director kilala siya dahil sa "Spring Subway" at "Go Lala Go!",
Ang huli niyang movie ay Dear Enemy na ipinalabas noong 2011.
Marami rin ang nag-aabang sa pelikula dahil sa heartthrob na si Wu Yifan o si Kris Wu – dating member ng Korean Idol group na EXO. Controversial member dahil kinasuhan niya ang SM Entertainment dahil sa mga problema sa kontrata.
MOVIE PLOT
Ang Somewhere Only We Know ay isang love story. Si Jin Tian (Wang Likun) lead character
ng pelikula ay dumadanas ng low poitn sa kanyang buhay. Sa pelikula, namatay ang kanyang lola Chen Lanxin (Xu Jinglei). At to make matters worse, nag-break pa sila ng kanyang boyfriend. Dahil heartbroken, nagdesisyon siyang pumunta sa Prague. Special ang bansang ito dahil ang lola niyang si Chen Lanxin (Xu Jinglei) ay minsang nanirahan sa Prague. Naintriga din siya dahil sa mga gamit ng kanyang yumaong lola, ay may nakita siyang isang liham mula 1970s. Dito nagsimula ang kanyang bagong journey.
Sa Prague nakilala ni Jin Tian si Peng Zeyang (Kris Wu), isang single father. May isang anak si Peng Zeyang at kasama niyang nag-aalaga rito ang kanyang ina.
Sinamahan ni Peng Zeyang si Jin Tian sa kanyang paghahanap kay Josef Novak (Gordon Alexander), ang dating nobyo ng kanyang yumaong lola.
MOVIE BUDDY RECOMMENDATION
Ang Somewhere Only We Know ay isang love story. Its very light and heartwarming. Eye candy dahil sa mga good-looking at beautiful actors at napaka romantic na scenery ng Prague. Walang makakatalo sa Prague pag dating sa landscape at location nito. It's a feel-good movie at pagkatapos panoorin na muling magpapa-kilig at ipapaalala sa inyo kung paano ba ang main-love.
Si Xu Jinglei
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |