|
||||||||
|
||
PTNT/20150316.m4a
|
Ayon sa Hollywood Reporter, "Rain Li is a unique filmmaker who fully understands the balance between western and eastern cultures and the value of creating commercially viable projects that remain true to their powerful artistic integrity,"
Para sa Pelikulang Tsino, Nood Tayo tampok ang bagong pelikula ni Rain Li na Beijing New York.
Impressive ang track record ni Rain Li. Nag-aral siya England, noong una para lang sa language training. Pero nag shift ang interest niya at napunta sa production at lighting. What's more impressive is she was just in her teens. Sa edad na 18 yrs old marami na siyang nagawang commercials, music videos at feature films bilang bahagi ng lighting crew. At pagkatapos nito nag progress na siya sa pagiging cinematographer. Sa edad na 26 nakagawa na siya ng 12 features, 25 short films, di mabilang na commercials, music videos at naging kilala sa larangan ng fashion at film industry. Sa Cannes Film Festival noong 2007, tinanggap niya ang Special 60th Anniversary Prize of the International Cannes Film Festival. Ito ay para sa pelikulang Paranoid Park ni Gus Van Sant. Ang Beijing New York ang debut niya bilang direktor.
Ang Beijing New York ay kwento tungkol sa isang Chinese woman na pumunta ng New York. Para isakatuparan ang kanyang American Dream, iniwan niya ang kanyang first love sa Tsina. Matapos ang dalawampung taon kailangan niyang timbangin ang kanyang damdamin hinggil sa kanyang pagkatao, pamumuhay at maging ang kanyang pagmamahal.
Ito ang premise ng pelikula: What if you are caught between two cities you call home? What if you are caught between two men you both love? What if you are caught between a memory and reality?
Alamin ang mas maraming detalye hinggil sa Beijing New York sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo kasama ang mga movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |