Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Deng Ziqi

(GMT+08:00) 2015-03-31 17:09:23       CRI

Si G.E.M. (Get Everybody Moving) o Deng Ziqi sa wikang Tsino ang tinatawag na "Bagong Queen ng Hongkong." Biglang naging kilala si G.E.M. kamakailan sa mainland dahil sa isang Talent Show sa pag-awit sa Hunan TV na pinamagatang "I am a singer." Bago ito, ang kanyang pangalan ay hindi kilala ng mga taga-mailand. Sa unang round ng paglahok sa "I am a singer," kinanta ni G.E.M. ang sariling komposisyon na pinamagatang "Bubbles." Pagkaraan nito, biglang namayagpag ang kanyang popularidad.

Mataas ang kanyang boses hindi po ba? Dahil dito, binansagan din siyang "Little Huge Lung." Sa sumunod na round ng kompetisyon, muling ipinamalas ni G.E.M. ang kanyang mataas na boses sa maraming kanta. Kahit pumangalawa lamang si G.E.M. sa final round ng "I am a singer," sa evaluation bago ang finals, siya ang nasa unang puwesto.

Sa katotohanan, ang biglang pagiging kilala ni G.E.M. ay hindi isang coincident. Matatag ang kanyang pundasyon bilang isang mang-aawit.

Si G.E.M ay isang 24 na taong gulang na taga-HongKong. Isinilang siya sa Shanghai at lumipat sa HongKong noong 4 taong gulang siya. Mula noong 5 taong gulang pa lamang, nagsimula na siyang lumikha ng lyrics at himig. Noong 2009, sa edad na 18, nakuha niya ang medalyang ginto sa "Ultimate Song Chart Awards Presentation" at siya ang unang underage winner ng nasabing award. Noong 21 taong gulang siya, idinaos ni G.E.M. ang 5 concert sa Hong Kong Coliseum.

Kahit taga-Hongkong si G.E.M, karamihan sa kanyang awitin ay sa Mandarin o Ingles, sa halip ng Cantones. Noong 2012, nakuha ng album niyang "Xposed" ang "Best Sales Album sa Mandarin." Kumpara sa iba pang mang-aawit, hindi karaniwan ang landas ng pagiging kilala ni G.E.M sa mainland. Dahil nauna siyang sumikat sa pamamagitan ng internet. Natatangi rin ang kanyang estilo. Inilalabas niya sa website ang kanyang cute na cute na MV tungkol sa "Behind the Scenes Footage" at kanyang pang-araw-araw na pamumuhay. Nagtrabaho siya bilang whether forecater, tindera, at iba. Dahil dito, patuloy na dumami ang kanyang fans sa weibo, sa bilis na halos 100,000 bawat araw.

Para pasikatin ang bagong album, ginawa ni G.E.M. ang video tungkol sa pagkanta sa Houhai at pagkanta para sa birthday girl. Nakuha ng mga ito ang atensyon ng maraming tao.

Ayon kay G.E.M., siya ay isang rebelde noong 15 taong gulang siya, at ang kanyang pinaka-out-of-this-world na ginawa magpahanggang ngayon ay pulaan ang isang tao sa social network site na Weibo. Pero, sinabi rin niyang sa panahong ito, nagawa niya ang ikinokonsidera niyang pinaka-ikinararangal niyang bagay: ang paglikha niya ng kantang "Sleeping Beauty."

Noong panahong iyon, nagkagusto si G.E.M. ang isang senior, pero nahiya siya, at hindi niya sinabi ang damdamin sa lalaki. Kaya, nilikha niya ang "Sleeping Beauty" at lumahok sa singing contest. Inanyayahin niya ang barkada, kasama ang nasabing senior, at nakuha niya ang unang puwesto.

May Kinalamang Babasahin
maarte
v Dai Quan 2015-03-25 16:59:43
v When You Are Old 2015-03-18 15:57:47
v Joanna Wang 2015-03-10 16:32:23
v Xu Xiaofeng 2015-03-03 18:24:08
v Jane Zhang 2015-02-26 17:54:25
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>