Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

The Butterfly Lovers

(GMT+08:00) 2015-03-31 19:33:00       CRI

Ang napili namin pelikula ay ang The Butterfly Lovers. Ang kwentong ito ay sikat na sikat na Chinese legend. Tungkol ito sa isang dalagita na nagdamit lalaki at pumasok sa isang martial arts school. Si Zhu Yanzhi papel ni Charlene Choi ay sikreto na inlove sa isang mas matandang kaeskwela na si Liang Zhongshan papel ni Wu Chun. Samadaling sabi nagkamabutihan ang dalawa at sa pagyabong ng kanilang love affair ay naging simbolo ang mga paru-paru ng kanilang pagmamahalan.

Oo paborito ni Zhu ang butterflies. At sa kwento maraming beses na naging focal point ang paru-paru --- ang butterflies sa sword , ang butterfly sa pin at maging ang Butterfly Valley na magkasama nilang dinalaw bago sila naghiwalay dahil uuwi na si Zhu sa kanyang pamilya. Pero di alam ni Zhu na nakatakda na siyang ipakasal kay Ma Cheng'en papel ni Hu Ge.

Ayaw magpakasal ni Zhu kay Ma, at minsan dinalaw ni Liang si Zhu gumawa ng paraan si Ma para isulong ang kaniyang maitim na balak. Para siguruhin na makikipag break ang dalaga, aba binihag ni Ma ang magulang ni Zhu para iblackmail siya. Ano ba ang magagawa ng dalaga syempre ililigtas niya ang kanyang mga magulang. Ang kapalit kailangan niyang makipag break kay Liang. Isinauli nito ang pin at ginupit ang kanyang buhok. Final break up na dahil nagsaulian na sila ng kanilang symbols of love.

Heto na ang mala Romeo and Juliet na eksena mga moviebuddies. Bago pumunta sa kanyang kasal, binigyan si Zhu ng lason mula sa isang halaman. Ininom niya ito para di matuloy ang kasal. At ang wedding ay naging funeral. Nabalitaan ni Liang ang nangyari kaya dali-dali itong pumunta kina Ma para bawiin ang bangkay ni Zhu. Nagtagpo si Liang at si Ma at isang madugong labanan ang naganap. Sugatan si Liang pero panalo siya at nakuha nito ang katawan ni Zhu.

Hindi alam ni Liang na buhay si Zhu pero habang naghuhukay binawian ng buhay itong si Liang. Saka naman nagising itong si Zhu at nang makita ang nobyong lifeless, unti unti na ring binawian ng buhay si Zhu. At magkasama silang inilibing sa Butterfly Valley. At ang dalawang paru-paru sa sword ni Liang ay lumipad – reincarnated ang dalawa bilang butterly lovers.

Si Liang Shanbo

Si Zhu Yingtai

1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>