![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20150406.m4a
|
Itinampok sa The Crossing ang ilan sa brightest Asian stars mula sa Japan, Korea , Hong Kong Taiwan at mainland ng Tsina. Napaka talented ng cast at napaka unique ng bawat isa kaya naman naging interesante ang pelikula. Isa pang interesting trivia tungkol sa pelikula ang filming ng 2 digmaan – isa sa summer at isa sa winter. Iba iba ang location nito na nagpahirap gawin. Syempre dahil si John Woo ang direktor talagang ito'y maaksyon. Ang script writer ng The Crossing ay walang iba kundi si Wang Hui Ling – ang sumulat ng screen adaptation ng Crouching Tiger Hidden Dragon, at script ng controversial na Lust, Caution.
Si John Woo, direktor ng The Crossing ay isang beteranong Hong Kong director at ilan sa kanyang mga film credits ay ang "A Better Tomorrow" (1986), "The Killer" (1989) and "Hard-Boiled" (1992). Naging Hollywood director na rin si John Woo at ang kanyang debut noong 1993 ay ang pelikula ni Jean-Claude Van Damme na "Hard Target," sinundan ito ng "Broken Arrow" (1996), "Face/Off" (1997), "Mission: Impossible II" (2000) at "Windtalkers" (2002). Nagbalik China si John Woo sa pelikulang "Red Cliff," released in two parts in 2008 and 2009. Ito ay isang epic adaptation ng Chinese literary classic na "Three Kingdoms" na mainit na tinggap ng mga manonood at mga kritiko.
Matapos ang maraming taon ng paghihintay, naipalabas noong December 2014 ang part one ng The Crossing. Ang daming obstacles bago nabuo ang pelikulang The Crossing. Ang mga naging working titles ng pelikula ay "Taiping Lun" at "1949" Balak sin sana itong gawing entry sa Cannes Film Fest noong 2008 at isagawa ang commercial release noong 2009 pero dahil sa copyright conflicts naantala ang production nito. At noong 2012 naayos naman ang usapain sa film rights at sinimulan na ang paggawa ng pelikula. Pansamantala ding natigil ang filming dahil nagkasakit si John Woo. Nagpahinga siya ng ilang buwan para magpagaling dahil sa sakit na tonsillar tumor.
Ang setting ng pelikula ay 1949 sa panahon ng Cultural Revolution. May 6 katao ang tumakas mula sa mainland ng Tsina papuntang Taiwan. Si Gen. Lei Yifang (Huang Xiaoming) ay nagbalik sa Shanghai matapos ang digmaan at nakatakdang ikasal sa mayamang debutante na si Zhou Yunfen (Song Hyekyo). Sila ang couple no.1
Couple no.2 ay sina Yen Zekun (Takeshi Kaneshiro) isang Taiwanese doctor na may simple at normal na buhay sa kanyang hometown. Sa panahon ng WWII napilitan siyang maging field medic. Sa nayon nakilala niya si Zhou Yunfen, nasa digmaan ang kanyang asawang heheral. At nakatira siya ngayon sa bahay ng dating nobya ni Yen na si Masako (Magami Nagasawa) na napilitang umalis dahil sa gyera. Di nagtagal ay naging magkaibigan si Yen at Yunfen
Couple no.3. naman si Yu Zhen (Zhang Ziyi) isang no-read no write na nagpanggap bilang asawa ng sundalong si Tong Daqing (Tong Dawei) para magkaroon ng food rations ang kanyang pamilya. Kalaunan dala ng kahirapan, naging prostitute si Yu para makaipon at magpunta sa Taiwan para hanapin ang kanyang lost lover.
Ang The Crossing ay tinaguriang "The Chines Titanic." Ang pelikula ay inspired by true events, ang barkong Taiping – mula Shanghai ay magbyabyahe papuntang Keelung, Taiwan noong Jan. 27, 1949. Ito ay may lulang 1,500 na pasahero, marami sa kanila ay mga refugees na nais takasan ang Chinese Civil War. Ang barko ay may kapasidad lang na 580 at ito ay overloaded. Sa kasamaang palad, habang nasa laot nabangga nito ang isang cargo boat at sa 1500 na pasehero, 50 lang ang nabuhay. Tampok sa The Crossing ang intertwinning love stories ng 3 couple na umabot ng 60 taon.
Pakinggan ang mga movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo para malaman ang mas maraming detalye ng pelikula.
Si Huang Xiaoming
Si Song Hyekyo
Si Tong Dawei
Si Takeshi Kaneshiro
Si Zhang Ziyi
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |