![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20150413.m4a
|
Very shocking ang worldwide figures ng trafficked children, umaabot ang bilang nang dinudukot na bata sa 1.2million at ang trade ayon sa datos ay nasa $31.6billion. Ito ang dahilan kung bakit ginawa ni Peng Sanyuan ang pelikula. Sabi niya "I felt I needed to do something to help those who have lost their loved ones in this way."
Kilala si Peng sa kanyang popular TV dramas tungkol sa urban life. Ang pelikula ay batay sa real-life story ni Guo Gangtang, isang a farmer sa Shandong province na bumiyahe ng 400,000 kilometers sa buong Tsina para nahapin ang kanyang anak. Kwento ni Peng nakilala niya si Guo at pinuntahan nito ang kanyang tahanan. Sabi ng direktor na pumasok siya sa bahay nito, at ipinasyal sa village kung saan huling nakita ang kanyang anak, ramdam niya na matapos ang maraming maraming taon walang magawa si Guo kundi sumuko at tanggapin ang kanyang kawalan. Pero hangad ni Peng na di lang maging tungkol sa kalungkutan ang kanyang pelikula. Ang Lost and Love ay tungkol din sa love and hope. "A good movie will not just make you cry, but also make you laugh and think."
Sobrang pinaghandaan ni Peng ang movie. Isinulat niya ang screenplay noong 2013 at sa kanyang research higit 100 tao ang kanyang kinausap – mga biktima, police at mga taong tumutulong para hanapin ang mga nawawalang bata. At isang araw she was hit by a flash of inspiration. Para gampanan ang papel ng bida pinili niya si Andy Lau, superstar at kilala sa kanyang mga roles na simpatiko.
Sabi ng direktor na hinangaan niya ang pag-arte ni Lau sa A Simple Life. Ani Peng "He is like a rich mine-the deeper you dig, the more you find. He is loaded with a lot more than good looks." Pero nang sinabi ni Peng sa boss niya ang kanyang ideya, sabi nitong nahihibang siya.
Sa Tsina itinuturing na film god si Andy Lau. At dahil sa estadong ito, marami ang nag aakala na hindi mapapapayag ang superstar na gampanan ang papel ng isang magsasaka. Pero sa huli napapayag ang actor.
Alamin ang iba pang detalye ng Lost and Love mula sa mga movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah sa programming Pelikulang Tsino Nood Tayo.
Si Andy Lau
Si Jing Boran
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |