|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga magsasaka, nanawagang iligtas si Mary Jane Veloso

MGA MAGSASAKA, NANAWAGANG ILIGTAS SI MARY JANE VELOSO. Nagkaisa ang mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita sa panawagan sa pamahalaan na gawin ang lahat upang mailigtas ang anak ng kanilang kapwa sacada sa Hacienda Luisita na nahaharap sa parusang kamatayan sa Indonesia. Isang ecumenical service ang idinaos nila kanina sa Hacienda Luisita. (AMBALA/UMA Photo)
MAGKAKASAMANG nanalangin ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita sa pamumuno ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (AMBALA) at Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) upang mailigtas si Mary Jane Veloso, anak ng isa sa mga naging sacada sa malawak na tubuhan.
Masama na nga ang loob ng mga magsasaka sa kakaibang trato ng Hacienda Luisita at nagsabing lalong lalalim at sisidhi ang kanilang pagkapoot sa Administrasyong Aquino kung mapapahamak ang anak ng isa nilang kasamahan.
Sinabi ni Floridad Sibayan na nakikiisa sila sa nananawagang iligtas si Mary Jane Veloso sa Indonesia matapos mahatulan ng kamatayan dahil sa pagdadala ng bawal na droga mula sa Malaysia.
Pinamunuan ni Pastor Gabriel Sanchez ng United Church of Christ in the Philippines ang ecumenical service para kay Mary Jane at sa kanyang pamilya.
Kinondena ng mga magsasaka ang pamahalaang Aquino sa kapabayaan sa kaso ni Mary Jane Veloso. Ayon kay Aurelio Estrada, media officer ng UMA, nararapat lamang sanang naglabas ng panawagan ang pamahalaan sa mga namumuno sa Indonesia mailigtas lamang ang naging biktima ng isang international drug syndicate.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |