Ang Wolf Warriors ay isang highly anticipated 3D action movie. Dapat sana Marso ang release nito pero hindi pa satisfied si Wu Jing sa ilang detalye ng pelikula kaya nagdesisyon ang action star na ipagpaliban ang premiere nito sa Abril. At matapos ang kanyang pagpupulido napanood sa takilya ang kanyang kauna unahang 3D Film nitong April 2. Ayon sa box office sales 210.8 Yuan RMB o halos $US 34M ang kinita nito at nanguna sa talaan ng mga kinita ng mga pelikula para sa linggong iyon.
Ito ang ang unang 3D film ni Wu Jing. Ibinahagi ni Wu ang opinyon ng Hong Kong director Wong Kar-wai na ang 3D technology ang perfect fit para sa kung fu movies. "The 3D experience and special effects are sure to bring audiences into the film itself, ani Wu"
Samahan ang movie buddies at ibabahagi nila ang mas maraming detalye hinggil sa Wolf Warriors sa programang Pelikulang Tsino, Nood Tayo.

Si Wu Jing (sa kaliwa)

Si Yu Nan
