Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maraming hamon para sa mga manggagawa sa likod ng pag-unlad

(GMT+08:00) 2015-04-27 17:49:32       CRI

Special Report

Maraming hamon para sa mga manggagawa sa likod ng pag-unlad

Maynila, Ika-27 ng Mayo, 2015 – Sa likod ng mga magagandang ulat sa larangan ng Ekonomiya sa Pilipinas, nahaharap pa rin ang mga manggagawa sa iba't ibang hamon, tulad ng kakulangan ng makatao at kapaki-pakinabang na hanapbuhay.

Ito ang nilalaman ng naunang ulat na inilabas ng International Labor Organization sa Maynila na nagsuri ng datos sa kaunlaran, pagdami ng mga trabaho at uri ng hanapbuhay sa nakalipas na ilang taon.

Sa Tapatan sa Aristocrat, ang lingguhang talakayan sa mga isyung panglipunan, sinabi ni Bb. Ma. Lourdes Macapampan ng ILO, na natamo ng bansa ang 7.2% at 6.1% growth rates noong 2013 at 2014.

Sinabi ni Undersecretary Reydeluz Conferido na ang pangangailangan ng makatao at kapaki-pakinabang na hanapbuhay ay magpapatuloy kahit pa sumapit ang taong 2016, ang pagwawakas ng panunungkulan ng Pamahalaang Aquino.

Ani G. Conferido, may mga palatuntunan na isinaayos ang pamahalaan na tatagal pa ng higit sa 2016.

Ayon naman kay Kilusang Mayo Uno vice chairman Lito Ustarez, ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga manggawang nangingibang-bansa ay nagpapakita lamang ng kawalan ng matagpuang trabaho sa bansa. Ang kailangan ay higit na may uring trabaho kaysa mga de-kontratang hanapbuhay na matatagpuan sa shopping malls at fastfood chains. Ang pagkakaroon ng mga tulad ni Mary Jane Veloso na nahaharap sa parusang kamatayan ay halimbawa ng kawalan ng trabaho sa Pilipinas. Binanggit din niya ang pagkakaroon ng 80 manggagawang nahaharap sa parusang kamatayan dahilan sa drug trafficking at may 120 nakabilanggo sa iba't ibang piitan sa buong daigdig.

KAGAWARAN NG PAGGAWA, DAPAT MAGING AKTIBO.  Ito ang panayawag ni dating Senador Ernesto F. Herrera (dulong kanan) at ngayo'y pangulo ng Trade Union Congress of the Philippines sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat.  Na sa lawaran din sina Undersecretary Reydeluz Conferido ng Department of Labor and Employment (dulong kaliwa), ECOP Deputy Director General Jose Roland Moya at Ginoong Lito Ustarez, vice chairman ng Kilusang Mayo Uno.  (Melo M. Acuna)

Sapat na ang batas upang maipagsanggalang ang mga manggagawa at mga mangangalakal. Ito naman ang sinabi ni dating Senador Ernesto F. Herrera, pangulo ng Trade Union Congress of the Philippines. Idinagdag pa niya na kailangan lamang na maging aktibo ang Department of Labor and Employment sa pagpapatupad ng mga batas sa paggawa sa buong bansa.

Sa dami ng batas, ang kailangan lamang ay ang seryosong pagpapatupad nito, dagdag pa ni Atty. Herrera.

Ipinaliwanag naman ni G. Jose Roland Moya, ang deputy director general ng Employers Confederation of the Philippines, na ang pinakamalaking hamon ay ang pagkakaroon ng mas maraming trabaho at mas maraming makuha upang magkaroon ng hanapbuhay. Tulad umano ng nilalaman ng ulat ng International Labor Organization, kailangang magkaroon ng ibayong pagtutulungan upang madagdagan ang mamumuhunan sa Pilipinas.

Idinagdag naman ni Undersecretary Conferido na hindi lamang kanilang kagawaran ang nararapat masangkot sa pagbuo ng dagdag na hanapbuhay sapagkat kailangang magtulungan ang iba't ibang sektor sapagkat ang ibang mga may pagawaan sa Pilipinas ay lumipat na sa Vietnam, Laos, Cambodia at Myanmar.

Patuloy namang lumalawak ang agwat ng mahihirap sa mayayaman, dagdag ni Julius Cainglet, ang assistant vice president ng Federation of Free Workers. Hindi rin ito nakatulong sa pagkakaroon ng mas maraming matatag na trabaho sapagkat marami pa rin ang saklaw ng mga kontrata.

Inulit ni Bb. Macapampan na kailangang magsama ang pamahalaan, manggagawa at mga kapitalista upang magpatupad ng mga programang pakikinabangan ng madla at masuri ang kalagayan ng mga manggagawang nasa mapapanganib ng katayuan.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>