![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/201450420.m4a
|
Ang pelikulang Ever Since We Loved ay tungkol sa isang medical student (Han Geng) at ang kanyang emotional struggles. Siya ay may kumplikadong relasyon sa tatlong babae: isang kababata, kaklase sa college (Qi Xi) at isang girlfriend na businesswoman na mas mature and "sexy." (Fan Bingbing). Ayon sa mga press release ito ay isang "exiting tale of love and lust."
Si Li Yu ang direktor ng pelikula at buong tapang nitong sinabi na ito na ang pinaka "sensual" na pelikulang ipinalabas sa Chinese cinemas. Si Direk Li ay kilala dahil sa kanyang matapang na pagtalakay sa mga taboo subjects.
Isa sa mga bagay na itinuturing na "tagumpay" ng direktor ay ang kakayahan niyang ilabas ang acting skills ni Han Geng. Si Han Geng ay isang pop singer at matinee idol. Madalas napupulaan si Han Geng dahil sa kanyang kakulangan sa pag-arte.
Si Han Geng ay sumikat noong 2005 dahil siya lang ang tanging singer ng Tsino sa Korean group na Super Junior at matapos niyang kasuhan ang SM Entertainment bumalik siya sa mainland para ituloy ang kanyang career. Nag debut siya sa martial art drama na My Kingdom noong 2011.
Bukod kay Han Geng ang cast ng pelikula ay kinabibilangan nina Fan Bingbing, Qi Xi, Yang Di, Zhang Boyu, Zhao Yiwei, Shen Tingting, Wu Mochou at marami pang iba.
Li Yu at Fan Bingbing ay maraming beses nang nagkatrabaho sa pelikula. Lost in Beijing (2007), Buddha Mountain (2010) Double Xposure (2012) at ngayong sa ika-apat na pagkakataon sa Ever Since We Loved.
Kung kontrobersiya lang ang pag uusapan marami nang pinagdaanan ni Li Yu. Ang social drama na Lost in Beijing ay kailangang ire-edit dahil sa sexually explicit content at inalis ang ilang plot lines. Matapos itong madelay ipinalabas ang pelikula pero kalaunan itinigil ang pagpapalabas nito at na-ban ng 2 taon ang producer na si Fang Li.
Para naman sa Buddha Mountain, kailangang palitan ni Li ang plot. Ang orihinal na kwento ay tungkol sa mga bagets na nagnanakaw ng bakal sa riles ng tren. Pero sabi ng censors napaka radikal nito. Kaya pinalitan ang kwento at nagpokus sa relasyon ng 3 working class youngsters at isang nagluluksang ina. Kailangan din niyang bawasan ang pagmumura at ilang eksena ng protesta sa demolition na sensitibo sa Tsina.
So sa pelikulang Ever Since We Loved medyo nakahanap na ng middle ground Li Yu at film censors sa Tsina. At gaya nga ng pagtasa ng ating movie buddy na si Andrea – malayo sa Fifty Shades of Grey ang pagka sensual ng pelikulang ito.
Rating: 9 stars
Ang klase
Si Fan Bingbing
Sina Fan Bingbing at Han Geng
Si Qi Xi
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |