![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20150504.m4a
|
Ang slogan para sa taon ito ay "Welcome to Beijing to Watch the Best Movies in Spring." Ihinanda ng festival organizing committee ang higit 300 pelikula mula sa 50 countries, na ipapalabas sa 30 commercial cinemas, art houses at university locations sa Beijing. Dumalo sa 5th BIFF ang mga naglalakihang pangalan sa mundo ng showbiz tulad nila Arnold Schwarzenegger na dumalo sa opening ceremony. Marco Mueller, former artistic director of the Rome, Venice and Locarno Film Festivals at itinalaga bilang chief adviser ng 2015 BIFF
Dumalo rin ang French director na si Luc Besson. Siya ang President of the international jury ng 5th Beijing International Film Festival. Kasama rin sa jury ang Russian director na si Fedor Bondarchuk, Hong Kong director Peter Chan , U.S. screenwriter Robert Mark Kamen, South Korean auteur Kim Ki-duk, Brazilian director Fernando Meirelles and Chinese actress Zhou Xun. Ang jury ay pumili ng mga 10 gawad para sa Tiantan Awards.
Big winner sa 5th BIFF ang Mexican director na si Bernardo Arellano, na nag-uwi ng Best Feature Film award, para sa pelikulang "Beginning of Time." Walang iba kundi si Jackie Chan kasama si Luc Besson Jury President ang nag-abot ng award kay Arellano.
Ang "Beginning of Time" ay isang black comedy tungkol sa magulong buhay ng isang odd couple at kanilang mga anak na nawawala ng maraming taon. Ayon kay Arellano ang mga characters ang nagbigay buhay sa pelikula.
Para naman sa award for Best Director nakuha ito ni Jean-Jacques Annaud para sa kanyang Sino-French co-production na "Wolf Totem." Napag usapan na namin ang movie na ito sa PTNT at inabot ng 7 taon ang paggawa ng pelikulang ito. Napanalunan din Wolf Totem ang prize for Best Visual Effects.
Ang Best Actress and Best Actor awards na napanaluanan nina Yulia Perisild para sa kanyang pagganap sa "Battle for Savastopol" pelikula mula sa Ukraine, at ni Artem Tsypin para sa kanyang pagganap na papel ng isang private detective na si 'Igor' sa pelikulang "A White, White Night," na mula sa Russia. Samantala ang Slovakian at Czech Republic film na "Children" ay nanalo ng three awards para sa Best Cinematography, Best Screenplay, at para sa performance ni Eva Bandor na nanalo bilang for Best Supporting Actress.
Walang iba kundi ang Hong Kong actor na si Tony Leung Kafai ang nanalo ng Best Supporting Actor para sa kanyang role bilang ruthless bandit sa movie ni Tsui Hark na "The Taking of Tiger Mountain." Ang Best Music Award ay napunta sa Austrian film na "Gruber Geht."
Alamin ang iba pang highlights ng 2015 BIFF mula sa mga movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah sa programang Pelikulang Tsino, Nood Tayo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |