|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Isyu ng kahirapan at climate change, magka-ugnay

CLIMATE CHANGE AT KAHIRAPAN, MAGKA-UGNAY. Ito ang buod ng talumpati ni Fr. Edu Gariguez, Executive Secretary ng National Secretariat of Social ACtion at Caritas Philippines sa International Assembly ng Caritas Internationalis sa Roma. Nararapat na sabay na daluhan ang mga hamong dulot ng kahirapan at climate change, dagdag pa ni Fr. Gariguez. (File Photo ni Melo Acuna)
SINABI ni Fr. Edu Gariguez, executive secretary ng National Secretariat of Social Action/Caritas Philippines na hindi maihihiwalay ang isyu ng climate change sa lumalalang isyu ng kahirapan sa bansa.
Sa kanyang talumpati sa Caritas Internationalist General Assembly sa Roma, sinabi ni Fr. Gariguez na hindi kailanman mababawasan ang kahirapan kung hindi tutugunan ang problemang dulot ng climate change.
Malaki ang epekto ng climate change sa mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas. Sa lipunan, ang mga payak na magsasaka, mangingisda at mga katutubo, kasama ang mga kababaihan at mga kabataan, ang pinakanamimiligrong sektor sa pagbabago ng klima. Apektado ang kanilang buhay at hanapbuhay.
Malawak ang nagging pinsala ng bagyong "Yolanda" o "Haiyan" sa Pilipinas na nagtulak sa may 5.6 milyong mahihirap sa ibayong kahirapan sapagkat nawala ang kanilang hanapbuhay. Ang pinsala ay aabot sa may € 700 milyon.
Apektado rin ng climate change ang pagsasaka at maging yamang mula sa karagatan na magdudulot ng peligro sa food security.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |