Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lets Get Married

(GMT+08:00) 2015-06-09 15:05:12       CRI

Mula sa matagumpay na TV series, isa nang pelikula ang Let's Get Married. Mula sa small screen ipinagpatuloy ni Liu Jiang ang kanyang directorial duties sa big screen. Noong 2013, ang TV drama na Let's Get Married ay sumikat dahil pokus nito ang mga "sheng nv" o left over women isang termino na ginagamit para sa mga kababaihang Tsino na single pa rin sa edad na trenta. Nitong Abril napanood sa mga sinehan ang movie version nito.

Ayon kay Liu Jiang ang pokus ng pelikula ay ang social issues na kaugnay ng pag-aasawa. Ang TV series ay umikot sa ups and downs ng relationships ng mga couples na di pa kasal. Samantala ang movie version naman ay tungkol 4 na magkakahiwalay na kwento ng mag-asawa at mag-nobyo.

Bida sa pelikula si Gao Yuanyuan na napanood din sa original TV series. Ang role niya ay si Ye Wenwen manager ng isang wedding dress shop, medyo jaded na siya pagdating sa pakikipagrelasyon dahil katatapos lang nitong makipag-break si kanyang boyfriend na si Li Jianfeng (Ming Dao). Pero dream niyang ma-meet si Mr. Right at ikasal suot ang kanyang dream wedding gown. Kaya ka iyong bigyang katuparan ng designer na kaibigan na si Lao Chen (Jiang Wu) na secretly ay in-love sa kanya.

Female lead #2 si Xiao Lei (Chen Yihan), isang airport employee, na sinubukang pwersahin ang kanyang pilot boyfriend na si Ling Xiao ( Zheng Kai) na magpakasal sa kanya. Commitment issues naman ang pokus nito.

Female character#3 ay si Tian Hai Xin (Liu Tao) isang matagumpay na hotel executive, nabuntis at ngayon naninimbang hinggil sa magiging epekto nito sa kanyang career at kanyang marriage sa Peking Duck Chef na si Cao Dapeng (Wang Zijian).

At ang character #4 ay si Wen Yi (Guo Biting) isang violinist, na di sigurado sa kanyang engagement matapos makilala ang isang simpatikong tour guide sa Italy na si Li Xiang (Li Chen) .

Ok so in a nutshell ang Lets Get Married ay pelikula tungkol sa finding love and finally saying I Do.

Si Ye Wenwen at Lao Chen

Sina Tian Hai Xin (Liu Tao) at Cao Dapeng (Wang Zijian)

 Sina Xiao Lei (Chen Yihan) at Ling Xiao ( Zheng Kai)

Sina Wen Yi (Guo Biting) at Li Xiang (Li Chen)

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>