Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Simbahan, nababahala sa paglilipat ng mga biktimang apektado ni "Yolanda"

(GMT+08:00) 2015-06-10 18:30:58       CRI

NABAHAHALA ang Simbahang Katolika sa balitang lumabas na pwersahang paalisin ang may 3,000 pamilyang apektado ni "Yolanda" sa mga sinasabing "danger zones" pagsapit ng unang araw ng Hulyo.

Sinabi ni Fr. Edu Gariguez, executive secretary ng National Secretariat for Social Action, Justice and Peace na ang mga pansamantalang tirahan ang siyang magiging kanlungan ng mga biktima sa loob ng dalawang taon samantalang naghihintay ng mga bagong tahanang itatayo ng National Housing Authority at non-government organizations.

Ipinagtataka ni Fr. Gariguez kung bakit nagbigay ng deadline ang pamahalaang-lungsod. Karamihan ng mga naninirahan ay nasa Old Road Sagkahan na tinamaan ng storm surge o daluyong noong Nobyembre 2013. Unang ibinalita ang paglilipat noong unang linggo ng Mayo subalit hindi itinuloy sa kahilingan ng mga mamamayang magdiwang muna ng kapistahan sa darating na katapusan ng Hunyo.

May 14,000 pamilya ang naninirahan sa sinasabing danger zones sa Tacloban City. MGA NANINIRAHAN SA DANGER ZONES, MAPAPALAYO SA HANAPBUHAY.  Nababahala ang mga tauhan ng CBCP National Secretariat of Social Action, Justice and Peace sa nabalitang puersahang pagpapaalis sa mga naninirahan sa "danger zones" sa Tacloban City sa darating na unang araw ng Hulyo.  Walang kuryente at tubig at malayo sa hanapbuhay ang mga paglilipatan sa kanila.  (NASSA CBCP Photo)

Nangangamba ang mga mamamayan sa paglilipatan sapagkat walang kuryente at tubig. Malayo rin sa kanilang mga hanapbuhay ang relocation sites.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>