Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangalawang Pangulong Binay: Ginigipit ako!

(GMT+08:00) 2015-06-24 18:53:20       CRI

Pangalawang Pangulong Binay: Ginigipit ako!

SINABI ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na ginigipit siya at ang kanyang pamilya ng Pamahalaang Aquino.

Sa kanyang talumpati kaninang ika-lima ng hapon mula sa Coconut Palace, sinabi niya na maraming mga anomalyang nagaganap sa pamamahalan ni Pangulong Aquino tulad ng kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund at Disbursement Acceleration Program kasama na ang pangingikil sa Metro Rail Transit at ang malagim na Mamasapano massacre.

Naranasan na niya ang mga panggigipit noon pa mang Martial Law kaya't hindi na bago sa kanya ang ginagawa ngayon ng administrasyon.

Mayroon umanong "selective justice" sa ilalim ni Pangulong Aquino sapagkat hindi pinanagot ang mga may kagagawan ng hindi paglalabas ng Internal Revenue Allotment ayon sa takdang panahon kahit pa maraming bayan at lungsod ang umaasa sa kanilang bahagi sa mga buwis na ibinayad ng mga mamamayan.

Baluktot ang hustisya sa bansa sapagkat iba ang katarungan para sa mga kaalyado at kapartido. Walang maasahan ang mahihirap na nakararami sa bansa.

Ani G. Binay, may hangganan ang pagtitiis ng tao. Takot umano ang kanyang mga kalaban sa darating na halalan na harapin siya sa malinis na halalan. Batid umano ng kanyang mga kalaban na hindi sila magwawagi sa isang patas na halalan at gagamit ng maruruming paraan at magwawaldas ng salapi ng bayan. Patuloy na lalabag sa batas ang mga nasa administrasyon.

Nagpasalamat siya sa kanyang mga kababayan na sa likod ng matinding paninira ay malaki pa rin ang nagtitiwala sa kanya.

Binanggit pa ni G. Binay na huwag mabahala sa kanyang kalagayan sapagkat kaya niyang harapin ang pagpapahirap sa kanya at sa kanyang pamilya.

Kung inaakala ng kanyang mga kalaban na aatras siya sa halalan, hindi umano ito magaganap sapagkat kailanman ay 'di siya umaatras sa laban. Nangako siyang hindi iiwanan ang mahihirap. Ani G. Binay, siya na ang namumuno sa oposisyon.

Visiting Forces Agreement sa Japan, pinaghahandaan na

NAGHAHANDA na ang Pilipinas para sa pagbuo ng isang kasunduan sa bansang Japan upang magkaroon ng sariling berson ng Visiting Forces Agreement. Sa isang roundtable discussion na itinaguyod ng Pimentel Institute for Leadership and Governance na dinaluhan ni Defense Secretary Voltaire Gazmin niya sinabi ang bagay na ito.

Sa kanyang opening statements, sinabi ni Secretary Gazmin na hindi nararapat magulat ang karamihan sa nakatakdang kasunduan sa pagitan ng Japan at Pilipinas sapagkat maganda at matibay ang relasyon ng dalawang bansa.

Hindi umano napapag-usapan ang panukalang kasunduang ito sa Japan sa local media 'di tulad ng mga kontrobersyal na isyu na patuloy na pinag-uusapan ngayon. Nagmula ang panukalang ito sa matatag na bilateral relations ng dalawang bansa.

Isang "strategic partnership" ang mamamagitan sa dalawang bansa. Idinagdag pa ni Secretary Gazmin na ito na ang kanilang layunin mula pa ng unang araw ng panunungkulan ng Aquino Administration. Lumagda na sila ni Defense Minister Morimoto at Kalihim Gazmin sa isang kasunduang magkaroon ng defense cooperation noong 2012. Lumagda na rin si Secretary Gazmin sa isang kasunduan kay Japanese Minister Nakatane ngayong taon para sa pagpapayabong ng kasunduan at pagtutulungan sa maritime security at disaster response.

Makakasama sa kasunduan ang educational at personnel exchanges at pagsasanay ng kani-kanilang mga mamamayan. Magkakaroon din ng mga table-top exercises. Magaganap lamang ito sa pamamagitan ng Visiting Forces Agreement tulad ng hinihiling ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Ayon kay Secretary Gazmin, maganda na ang relasyon sa larangan ng diplomasya, ekonomiya, kultural at ang nangangailangan na lamang ng pagpapayabong ang defense aspect ng relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Hindi umaasa si Secretary Gazmin na malalagdaan ang VFA sa Japan bago matapos ang termino ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sapagkat tumagal ng pitong taon ang pag-uusap ng Australia at Pilipinas.

Bubuuhin pa lamang ang lupon na makikipag-usap sa Japanese counterparts at magkakaroon ng panukalang kasunduan. Pagkatapos ay makikipag-usap sa iba't ibang ahensya at mga sektor ng lipunan. Sa oras na malagdaan ang kasunduan, dadalhin ito sa Senado upang sumailalim sa ratipikasyon.

Sa katanungan kung ano ang pagkakaiba nito sa Visiting Forces Agreement sa Estados Unidos, sinabi ni Secretary Gazmin na kung anuman ang mga pagkukulang sa kasunduan sa Estados Unidos ay maiiwasan na. Tumanggi rin siyang baka mula sa Japan ang panukalang kasunduan tulad ng lumabas na balitang mula sa Estados Unidos ang nilalaman ng Enhanced Defense Cooperation Agreement na ipinagtatanong pa sa Korte Suprema.

Layunin ng VFA ang pagkakaroon ng tinaguriang "minimum credible defense posture". Nagbago na umano ang kalakaran ng Japan sapagkat hindi na lamang sa mga ahensyang sibilyan sila magbibigay ng mga kagamitan kungdi nabigyan na sila ng kakayahang magbigay ng mga sandata at sasakyan sa iba't ibang bansang magkakaroon ng kasunduan.

Bagaman, sinabi ni Secretary Gazmin na walang intensyong anuman ang Pilipinas na makipagtunggali sa alinmang bansang may kakaibang paninindigan.

"It is not directed to China in particular," sabi pa ni G. Gazmin.

Samantala, inamin ni Secretary Gazmin na ang ginagawang pagbuo ng mga pulo sa South China Sea at iba pang pahayag ng Tsina at isang panganib mula sa pananaw ng Department of National Defense.

Binanggit din ni Secretary Gazmin na ang military exercise na ginagawa ng Japan at Pilipinas ay ginagawa sa international waters at hindi sa nasasakupan ng Pilipinas.

Ipatatapon ang isang Koreanong pinaghahanap sa kanyang bansa

NAGDESISYON na ang Korte Suprema na ang isang Koreanong pinaghahanap sa pagnanakaw ng may US$ 200 milyon mula sa kanyang kumpanya sa Korea ay hindi mabibigyan ng anumang proteksyon mula sa pamahalaan.

Nagdesisyon ang mga mahistrado sa botong 13-0, sinabi ng Korte Suprema na si Ja Hoon Ku, isang kontratista ng Iglesia ni Cristo sa kanilang proyektong Philippine Arena, ay hindi makagagamit ng "writ of amparo."

Ang "Amparo" ay isang paraang ang sandigan ay karapatan ng isang mamamayan sa buhay, kalayaan at seguridad. Ang writ of amparo ang mag-uutos sa mga autoridad na ilabas ang detalyes ng enforced disappearance.

Naunang nagdesisyon ang Manila Regional Trial Court Judge Paulino Gallegos ang nagbigay ng write of amparo na hiniling ni Ku. Noong Enero 28, naglabas ng temporary protection order na nagbibigay ng kustodiya kay Ku sa Philippine Red Cross at pinag-utusan ang Philippine National Police-Security and Protection Group na bigyan ng kaukulang proteksyon ang Koreano at ang kanyang pamilya.

Nagtungo sa Korte Suprema si Immigration Chief Siegfred Mison at ipinagtatanong ang kautusan ng korte. Noong ika-apat ng Pebrero, nag-utos ang Korte Suprema na dalhin si Ku sa Bureau of Immigration na kanyang kinalalagyan mula noong madakip noong ika-16 ng Enero, 2014.

Dinakip ng Immigration at Manila Police si Ku sa kahilingan ng International Criminal Police Organization (Interpol) ng Seoul, South Korea. Nakarating pa sa Malacanang ang usapin ni Ku. Dalawang ulit na nag-utos ang Malacanang na palayain si Ku at nag-utos na rin ang hukuman na ilabas ang pasaporte ni Ku kahit pa pinawalang-saysay na ng Korean government.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>