Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

The Queens

(GMT+08:00) 2015-06-26 17:16:01       CRI

Ang The Queens ay kwento ng mga kababaihan at kanilang love life. Ang central characters ay sina Annie, Candy at Tina. Si Annie (Song Hye-kyo) ay isang actress. Si Tina (Vivian Wu) ay isang art gallery manager at si Candy (Joe Cheng) naman ay isang PR Specialist

Ang love story ni Annie. Iniwan siya ng kanyang ex-boyfriend at ipinagpalit sa isang sikat na producer-actress para umusad ang kanyang career. Kapalit nito may two choices si Annie, isang rich mama'a boy na pwede siyang tratuhing parang prinsesa at isang free spirited photographer – biker na mamahalin siya nang lubos.

Si Tina naman ay may one-true love na si Jiawei (Jiang Wu) kaso siya ay may asawa at anak na. Si Tina ang pinakamatanda sa kanilang grupo at di naman siya maka move-on sa kanyang "true love" to the point na naging mistress na ang kanyang estado sa buhay.

At ang ating third queen ay si Candy. Si Candy ay sangkot sa medyo kumplikadong set-up. Ayon sa kanyang boyfriend, siya ang tunay na mahal nito at ang tanging nararamdaman ng lalaking ito ay utang na loob lang para sa babaeng nag-aalaga sa kanyang magulang na may sakit. "You're using your parents as an excuse to fool around and cheat" linya ni Cindy sa pelikula.

Ang Korean actress na si Song Hye Kyo ay maraming fans sa Asia. Sa Pilipinas naging kilala siya dahil sa drama na Full House. Siya ang gumanap sa papel na Jessie kasama si Rain. Bukod sa Korea at sa Hollywood, mukhang in-demand ang actress dahil ilang beses na siyang gumawa ng mga pelikula dito sa Tsina. Kasama siya sa award-winning film na The Grandmaster ni Wong Kar Wai , the Crossing ni John Woo at ngayon ang romance flick na The Queens. Ang huling Korean film niya ay My Brilliant Life – isang independent film na ipinalabas noong 2014 sa Korea. Ang lahat ng movie projects niya matapos nito ay mula sa Tsina.

Pakinggan ang mga movie buddies na sina Mac at Andrea sa kanilang paghimay sa kwento sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

Si Annie at ang photographer – biker

Si Candy at ang kanyang nobyo

Sina Tina at Jiawei

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>