![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
fil/PTNT/20150629.m4a
|
Ang stars ng "Hollywood Adventures" ay sina Zhao Wei, Huang Xiaoming at Tong Dawei. Ang pelikula ay isinulat at prinoduce ng director ng The Fast and the Furious na si Justin Lin. S At ang Hollywood Adventures ay first attempt ni Lin sa pelikulang romance at comedy.
Dahil sumikat si Lin sa Fast and Furious, inaasahan ng mga fans ang action elements na talagang forte ni Lin. At inaabang din kung ano ang kalalabasan ng pelikula na sa Hollywood ginawa.
Bukod sa director, siyempre mapapanood din sa pelikula ang isang superstar cast. Interesante ang istorya nito na Amerika ang setting. International team ang binuo para sa Hollywood Adventure kaya naman may bagong aabangan ang movie fans dito sa mainland.
Sina Tong Dawei at Zhao Wei ay nagkasama recently sa movie na "Dearest." Samantala siya rin ay napanood bilang best friend ni Huang Xiaoming sa pelikulang "American Dreams in China." At sa katatapos na Hundred Flowers Award ceremony, ang tatlong bidang ito ay nakatanggap ng important awards. Si Zhao Wei ay hinirang bilang Best Director , Si Huang Xioaming ang nanalo ng Best Actor Award samantalng si Tong Dawei naman ang nagwagi bilang Best Supporting Actor.
Sa pelikula, magkaibigan sina Huang Xiaoming at si Tong Dawei. Sila ay nagpunta sa Amerika at ang destinasyon ay Hollywood. Kaya nga Hollywood Adventure ang title ng pelikula. At sa byaheng ito nakilala nila si Zhao Wei. At ano kayang adventures at misadventures ang mangyayari sa tatlong ito – yan ang dapat abangan sa pelikula.
Sa huling pelikula ni Zhao Wei, ginampanan niya ang isang desperadong nanay na nawawala ang anak. Sa Hollywood Adventure, romantic-comedy ang genre ng pelikula kaya di masyadong mabigat ang role niya. Pero kailangan niyang maging sensual seductress na bibitag sa dalawang lalaking mag bestfriend.
Dahil Hollywood ang setting – dapat American accent din si Zhao Wei. Keri kaya niya? Panoorin nyo po at kayo ang humusga! At magiging patok kaya ang first romantic collaboration nina Zhao Wei at ni Huang Xiaoming?
Alamin ang iba pang detalye ng Hollywood Adventures mula sa mga movie buddies ng Pelikulang Tsino Nood Tayo.
Sina Zhao Wei at Huang Xiaoming
Si Tong Dawei
3 Best Actor winners
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |