|
||||||||
|
||
PTNT/20150706.m4a
|
Ang Shanghai International Film Festival (SIFF), ay itinatag noong 1993, ito ang nag-iisang A-category international film festival accredited by the FIAPF sa Tsina. Ayon sa official website nito ang SIFF ay isang plataporma na makakaambag sa pagpapalago ng industriya ng paggawa ng pelikula sa buong mundo.
Ito ay may 4 na platforms: ang SIFF Competition, SIFF Mart, SIFFORUM, at International Film Panorama. Ang mga ito ay nagbibigay ng pagkakataon para isulong ang kooperasyon at pag-unlad ng sining ng pelikula sa Tsina at sa ibang panig ng mundo.
Ang Golden Goblet Award ang pinaka-aasam ng mga filmmakers sa Competition category ng SIFF. Gaya ng ibang mga film festivals isang jury panel na binubuo ng mga pitong whos-who sa international showbiz para pumili ng mga winners taon-taon.
Very interesting din ang Asian New Talent Award na kumikilala sa bagong talento at humihikayat sa pagpapayabong ng kanilang pagkamalikhain.
Ang Chinese film na The Dead End ang nanalo ng Best Director. Si Cao Baoping ang direktor ng pelikulang ito.
Sina Deng Chao, Duan Yihong at Guo Tao
Si Deng Chao
Si Duan Yihong
Hindi lang si Cao Baoping ang umuwing nakangiti matapos ang awards night ng SIFF. Sina Deng Chao, Duan Yihong at Guo Tao din ay magkakasamang umakyat ng entablado para tanggapin ang Best Actor award para sa pelikulang The Dead End.
Ang The Dead End ay kwento tungkol sa isang unforgiveable crime. Isang pamilya ng minasacre ni rape rin ang mga babae ng pamilyang ito. Papano nahuli at papano nalutas ang kaso – yan ang misteryo sa pelikulang ito.
Alamin ang iba pang detalye ng 18th Shanghai International Film Festival mula sa mga movie buddies ng Pelikulang Tsino, Nood Tayo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |