Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bella Yao

(GMT+08:00) 2015-07-14 16:46:32       CRI

Noong ika-16 ng Enero ng taong ito, ang pagkamatay ng isang 33-taong gulang na babaeng singer ay pinansin ng halos lahat ng mga mamamayan ng Tsina. Ang singer na ito ay si Bella Yao. Siya ay namatay dahil sa sakit na breast cancer. Bilang paggunita sa kanya, ipinatalastas ng International Astronomical Union (IAU) na pinangalanan nila ng "Bella Yao" ang isang little planet. Maganda at talented, pinanghinayangan ng maraming tao ang kanyang pagkamatay. Ang tragedy ng kanyang pagkawala ay parang isa sa kanyang mga kilalang kanta "tragedy of the beauty."

Noong 2011, na diagnose si Bella Yao na may sakit na breast cancer. Pagkatapos ng operasyon, pansamantalang nanumbalik ang kanyang kalusugan. Ang soundtrack ng TV drama "Zhenhuan Zhuan," o sa wikang Ingles, "Empresses in the Palace" ay ini-record sa panahon ng pagtanggap niya ng chemotherapy. Ang drama na ito ay naging sobrang popular sa Tsina.

Mula noong 4 taong gulang, sinimulan ni Bella Yao ang pag-aaral ng piano. Ang kanyang ama ay isang musician, at siya ang unang guro ni Bella.

Noong 2008, lumahok siya sa Ika-13 CCTV Young Singer Grand Prix at natamo ang Gold Award, idinaraos ang contest na ito bawat taon mula noong 1984, at mula rito, nagmula ang maraming champion. Si Yao ang kauna-unahang kalahok na nagtamo ng full marks sa kasaysayan ng contest.

Pagkaraang matamo ang championship sa CCTV Young Singer Grand Prix, si Bella Yao ay naging kilala sa sirkulong musika. Noong 2008, lumahok siya sa pagtatanghal ng seremonya ng pagpipinid ng Beijing Olympic Games. Noong 2012, kinanta niya ang theme song ng pelikulang "1942" mula sa kilalang Direktor Feng Xiaogang ng Tsina.

Kahit naging kilala na si Yao sa sirkulong musika, hindi siya naging super star hanggang lumahok sa "The Voice of China" noong 2013. Sa panahong iyan, ang "Voice of China" ay ang pinakapopular na TV talent show. Sa contest na ito, pinanood ng libung-libong tao ang mahusay na pagkanta ni Yao. Dahil dito, tinanggap siya ng maraming tao. Pero sa finals, natalo siya ng isang singer, pinanghinayangan ng maraming tao hinggil dito. Sa finals, pinili niya ang isang awit na mahirap kantahin, at ito ang dahilan bakit siya natalo.

May Kinalamang Babasahin
maarte
v Tayu Lo 2015-07-10 15:31:20
v Aarif Lee 2015-07-03 17:04:45
v Composer na Tsino-Lin Hai 2015-06-30 15:23:09
v First Lady-Peng Liyuan 2015-06-18 13:39:56
v Wanting Qu 2015-06-09 15:23:04
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>