Balik pelikula si Chow Yun Fat para sa pangalawang installment at follow-up ng direktor na si Wong Jing sa 2014 blockbluster na Vegas to Macau. At gaya ng dati ang pelikulang From Vegas to Macau II ay binubuo ng bankable supporting cast at exotic locations.
Sa pelikula muling napanood si Chow Yun Fat sa kanyang endearing role bilang Ken –walang tatalong sugarol. Sadly wala na si Nicolas Tse, Chapman To at Jing Tian. Pero ipinalit naman sina Nick Cheung at Carina Lau and Shawn Yue.
Heto ang kwento. Ang Superstar gambler "Magic Hands" Ken (Chow Yun Fat) ay kinontak ng kanyang inaanak na si Vincent (Shawn Yue), isang Interpol agent para humingi ng tulong na buwagin ang isang crime syndicate na tinatawag na D.O.A. Ang target ay si Mark (Nick Cheung), ang syndicate's accountant, na nagpunta sa Bangkok dala ang $15 billion pera ng sindikato. Tumakas ito dahil sa isang attempt sa kanyang buhay dahil siya ay may connections with D.O.A. Napapayag ni Vincent si Ken at sinimulan ang kanilang pagtugis kay Mark na magiging tulay para matiklo ang bagong leader ng DOA na si Aoi.
Pagdating sa Bangkok nadiskubre ng grupo na ang D.O.A. ay may tik-tik o espiya sa loob ng Interpol. Alam nila ang galaw nila Ken at kanyang grupo. At medyo minalas din si Mark dahil nakaengkwentro niya ang Thai gangsters. Nakatagpo rin ni Ken's ang old flame nitong si Molly (Carina Lau) habang pabalik ng Macau at magkasama nilang plinano ang final showdown sa loob ng secret airborne casino ng D.O.A. na The Dragon's Palace.
Alamin ang iba pang detalye ng pelikula mula sa mga movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah sa programang Pelikulang Tsino, Nood Tayo.



