![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
fil/PTNT/20150720.m4a
|
Ang Dream Flight ay tungkol sa buhay ng mga air force pilot. Sa pelikulang Dream Flight nakilala natin si Zhang Jiahao (Bryant Chang) isang aspiring pilot at si Xie Xinyi (Tiffany Hsu) isang piano major. Ipinakita sa pelikula ang proseso na pinagdadaanan ng mga gustong maging fighter pilots at syempre ang kanilang personal na buhay. Maging ang saloobin ng pamilya ng mga sundalong ito ay pinagtuunan din ng pansin dahil ayon sa pelikula parang nasa libingan na ang kalahati ng kanilang buhay dahil sa panganib.
Ayon sa direktor na si Khan Lee, "Sa pamamagitan ng pelikulang ito gusto kong ipakita ang mga madamdaming mga kwento mula sa Taiwan."
Dagdag niya ang storytelling, background setting, characterizations, technical production, sound recording, computer graphics at special effects ay lahat ginawa ng mga Taiwanese. "It is 100 percent, entirely made in Taiwan," aniya.
Ipinakilala sa pelikula ang mga Indigenous Defense Fighters (IDF) at ang lokasyon nito ay sa Gangshan Air Force Base sa Greater Kaohsiung at sa Tainan Air Force Base. Marami ang nagsasabi na ito ang Taiwan version ng Hollywood film na Top Gun.
Hangad ni Khan Lee na mag-enjoy ang publiko ng isang "action-packed at exciting" na pelikula. Para maging makatotohanan, ginamit sa pelikula ang mga eroplano ng IDF at Mirage 2000 fighters at ang mga Beechcraft T-34 trainers at AT3 advanced training craft.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |