![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20150727.m4a
|
Heto ang ilang trivia tungkol sa pelikulang Monkey King:Hero is Back. Walong taon ang inabot para ito ay matapos sa budget na $10 Million. Pero sa loob ng ilang araw lang nang pagpapalabas, umabot ang ticket sales nito sa Y200 million o $32.2 Million. At ito ang itinuturing na fastest record set by a local animated film.
Isang classic story ang Monkey King, kaya ang worry ng ilang movie goers sa animated film na ito ay baka wala itong bagong ipakita. Pero nabura lahat ng agam-agam dahil sa mga bagong elementong ipinakita sa pelikula. Anu-anu ito?
Una sa halip na gamitin ang same old character ng Monkey King, sa animated movie ngayon siya ay may halong personalidad ng tao, ugali ni Buddha at may kaunting pagka-demonyo. Ikalawa, medyo Hollywood style ang pelikula ang kwento ay talagang malikhain at talagang buong katapangang ipinakita at the same time ito ay pwedeng ma-gets ng different age groups. So mapa-bata o matanda ay magugustuhan ang pelikula di gaya ng mga lumang Monkey King animated versions na pambata lang. At ikatlo, nakakatawag pansin ang design at chinese elements ng animation. Sa pelikula isinama ang Chinese arts sa mga karakter at maging sa background design.
Usap-usapan ang paggamit ng ink wash painting sa simula ng pelikula. At maging ang soundtrack nito ay gumamit din ng Chinese instruments. Sa isang interview, sinabi ng Director ng pelikula na si Tian Xiaopeng na talagang malakas ang hatak ng naiibang istorya ng kanyang pelikula. Mainit ang pagtanggap ng mga fans sa ipinakitang kakaibang Monkey King na hindi maaring gumamit ng kanyang powers.
Dagdag pa ni Tian na ang kanyang animated character na Monkey King ay parang malapit na kaibigan lang na may oriental heroic spirit, may sariling mga ugali at hindi ginagaya ang napapanood mula sa mga heroes ng Hollywood. Ano-anu ang mga mabuting ugali na ipinakita ni Tian sa pelikula ? Ayon sa direktor ito ay perseverance and courage. Pagpupunyagi at katapangan.
Binalikan din ni Tian ang ibang mga animated movies na may oriental touch gaya ng Kung Fu Panda at Mulan. Pero napansin niyang hindi purong Asyano ito. Gaya nang ipinakitang coming of age ceremony na di tunay na oriental. Sa kanyang Monkey King: Hero is Back pinilit niyang maging authentic at inaming sinamahan niya ito ang mga mga magagandang elemento ng Japanese anime at Hollywood cartoons.
"We used our own traditional stories to resonate with our audiences' emotions, and technically we tell the story by means of the West," said Tian.
Alamin ang iba pang detalye ng pelikula sa mga movie buddies na sina Mac, Andrea and Sarah sa programang Pelikulang Tsino, Nood Tayo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |