![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20150810.m4a
|
Matapos ang halos walong buwang ipinalabas ang ikalawang nahagi ng pelikulang kung tawagin ay Chinese Titanic. Ang The Crossing 2 na dinirek ni John Woo ay may bigating cast at crew. Kasama sa cast sina Zhang Ziyi, Huang Xiaoming, Tong Dawei, Takeshi Kaneshiro at ang Korean actress na si Song Hye Kyo. Ayon sa direktor ang pelikula ay naka pokus pa rin sa tatlong pares ng relasyon na makaaantig sa puso at damdamin ng mga manonood. Ang The Crossing 2 ay batay sa tunay na sinapit ng Taiping luxury liner na lumubog noong 1949 malapit sa Taiwan. Ilalahad ng The Crossing 2 ang masidhing pagmamahal sa oras na malapit nang lumubog ang barko.
Heto ang ilang trivia: Originally balak ni John Woo na gawing 3 hour film ang The Crossing, pero dahil ang story daw ay napaka complex at marami silang material kaya ginawa na lang nilang two parts ito. Isa pang trivia, pangarap talagang gumawa ng epic love story ni John Woo at marami sa mga western moviegoers ay hindi pamilyar sa Chinese history. Ang The Crossing 2 ay kumpleto sa mga elementong may turbulence of a changing era at tampok ang mga paghihirap at tagumpay ng mga tao mula sa panahong ito.
Alamin ang iba pang detalye ng The Crossing 2 mula sa mga movie buddies na sina Mac, Sarah at Andrea ng programang Pelikulang Tsino, Nood Tayo.
Song Hye Kyo
Zhang Ziyi
Huang Xiaoming
Tong Dawei
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |