![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
/PTNT/20150817.m4a
|
Ang Only You ay Chinese adaptation ng Hollywood film ni Norman Jewison na ipinalabas noong 1994. Ang US version ng rom-com ay pinagbidahan nina Robert Downey, Jr. at Marisa Tomei.
Nitong Hulyo ipinalabas sa mainland ang Only You at ang mga bida sa pelikula ay si Tang Wei, kilala sa pelikulang Lust, Caution, Late Autumn at Black Hat. At si Liao Fan na napanood recently sa award winning film na Black Coal Thin Ice. Ang nasabing aktor ay nanalo ng Silver Bear Award for Best Actor sa 2014 Berlin International Film Festival.
Ang Only You ang directorial debut ni Zhang Hao at tumayo bilang producer ng pelikula walang iba kundi si Feng Xiaogang.
Sa press conference ng pelikula sinabi niyang ang Only You ay kwento ng dalawang tao na di bagay sa isa't isa at kinaharap ang maraming pagsubok para mahanap ang tunay na pag-ibig. May interesting insight si Feng Xiaogang tungkol sa kanyang evaluation sa mga kababaihan kapag in love. Ayon sa kanya ang mga babae ay may limited IQ pagdating sa pag-ibig. Dapat daw ang mga babae paganahin ang talino dahil kapag na in-love madali silang maloloko ng mga lalaki, At dagdag niya na mas pabor siya sa mga lalaking bad boy ang imahe pagdating sa romance at dapat "a bit bad" para masuyo at mapa-ibig ang isang babae. Aniya "Good guys are really boring."
Heto ang buod ng Only You. Si Fang Yuan (Tang Wei) ay isang veterinarian at malapit nang ikasal. Nagpahula siya at sinabihan, twice ng fortune tellerna, ang kanyang true love ay hindi ang kanyang current fiance kundi isang tao na nagngangalang Song Kunming. Isang araw natanggap niya ang tawag mula sa kaibigang si Song Kunming at inisip niyang destiny is calling her. Kaya lumipad siya kasama ng kaibigang si Li Xiaotang (Su Yan) at nagpunta sa Milan, Italy para alamin kung totoo nga ang hula sa kanya.
Alamin ang detalye ng Only You mula sa mga movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah sa programang Pelikulang Tsino, Nood Tayo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |