Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mr. Six

(GMT+08:00) 2015-08-26 19:04:07       CRI

Ang Mr. Six ay kwento ng isang 50 anyos na street punk na si Lao Pao Er. Hawak ni Lao Pao Er ang Beijing at ilang taon na niyang teritoryo ito. Isang araw nasangkot sa gulo ang anak niya. Nakabangga nito ang isang drag racing punk. Kaya no choice si Lao Pao Er kundi tulungan ang anak.

Sa gitna ng gulong ito, nalaman ni Lao Pao Er na ang batang leader ng drag racing gang ang siya na ngayong tinutukoy na bagong hari ng mga gang sa Beijing. Ang Mr. Six ay napili bilang closing sa nalalapit na 72nd Venice International Film Festival na gaganapin sa Setyembre.

Ang cast ay kinabibilangang nina : Feng Xiaogang, Zhang Hanyu, Kris Wu, Li Yifeng, Xu Qing, Liang Jing at marami pang iba.

Isa sa mga dahilan kung bakit dapat abangan ang pelikula ay dahil sa halip na behind the scenes, mapapanood bilang bidang aktor – walang iba- kundi si Feng Xiaogang ( Back to 1942, Personal Tailor) bilang Mr. Six. Si Guan Hu ang direktor ng pelikula. Retired na actually si Mr. Six pero dahil kailangan ng tulong ng anak niya kaya kailangan niyang muling balikan ang buhay gangster.

Si Guan Hu ang direktor ng mga pelikulang Cow at Design of Death. At positibo ang mga kritiko na magiging maganda ang response sa pelikula sa Venice International Film Festival.

Ayon sa China Lion ang production outfit ng Mr. Six, naka schedule ding ipalabas ang pelikula sa North America, Australia at New Zealand. Syempre dito din sa Tsina. Pero mukhang matagal pang maghihintay ang movie buddies natin dahil sa December 2015 pa ang teatrical release nito.

Alamin ang detalye ng Mr. Six mula sa mga movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah sa programang Pelikulang Tsino, Nood Tayo.

Si Feng Xiaogang

Si Zhang Hanyu

Si Kris Wu

Si Xu Qing

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>