Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

(Special Report) Amicable settlement ang kailangan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina; Hindi tatakbong muli para sa panguluhan

(GMT+08:00) 2015-08-27 18:25:43       CRI


Special Report

Amicable settlement ang kailangan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina; Hindi tatakbong muli para sa panguluhan

MAS MABUTING MAGING PRAKTIKAL ANG PILIPINAS. Sinabi ni Manila Mayor at dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada na mas mabuting makipag-usap ang Pilipinas sa Tsina sa mga hindi pagkakaunawaan sa South China Sea. Ang mabuting pakikipagkaibigan sa mga kalapit bansa ang pinakamagandang foreign policy. Humarap si Mayor Estrada sa mga mamamahayag na Tsino kaninang umaga. (Melo M. Acuna)

KARAMIHAN NG MGA MAMAMAHAYAG NA TSINO, NAKIPAGTALAKAYAN KAY MANILA MAYOR ESTRADA. Sa panayam kanina, sinabi ni Mayor Estrada na magtutungo siya sa Tsina sa Linggo at magtatagal na ilang araw at dadalo sa malaking pagdiriwang sa Beijing sa ikatlo ng Setyembre. Ani Mayor Estrada, malaki ang nagawa ng Tsina sa nakalipas na ilang taon kaya't nararapat batiin sa kanilang tagumpay. (Melo M. Acuna

NANINIWALA si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada na mas makabubuting pag-usapan na ng Pilipinas at Tsina ang nababalitang 'di pagkakaunawaan hinggil sa karagatan at mga likas na yaman nito.

Ito ang isa sa kanyang mga binanggit sa isang round-table discussion sa mga mamamahayag ng mga news agencies ng Tsina kaninang umaga sa kanyang tanggapan sa Manila City Hall. Si G. Estrada na dating pangulo ng Pilipinas hanggang sumapit ang taong 2001, ay nagsabing mas kailangan ng Pilipinas ang Tsina kaysa Tsina ang mangangailangan sa Pilipinas.

Napag-iwanan na ang Pilipinas mula sa dating ikalawang puwesto nito kasunod ng Japan. Ipinaliwanag ni G. Estrada na nangunguna ang Pilipinas sa Hong Kong, sa Singapore, Malaysia, Taiwan at maging sa South Korea subalit napag-iwanan na sa maling pamamalakad at direksyong tinahak ng mga namuno sa bansa.

Magtutungo rin sa Tsina sa G. Estrada mula sa Linggo at magtatagal hanggang sa darating na ika-anim ng Setyembre. Nakatakda siyang dumalo sa pagdiriwang ng Tsina ng pagwawagi sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig may 70 taon na ang nakalilipas. Babati siya liderato ng Tsina sa tagumpay ng kanilang mga programang naghatid sa magandang katayuan ng bagong superpower.

Para kay G. Estrada, malaki rin ang papel na ginampanan ng mga Tsino sa pagpapalaya sa bansa, partikular sa Maynila, mula sa mga kamay ng Hapones.

Kahit pa umano napasok ng mga Kastila ang bansa at nagturo ng pananampalataya ilang daang taon na ang nakalilipas, bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, nakarating na ang mga Tsino at nagturo sa mga Pilipino ng kahalagahan ng kalakalan.

Malaki rin ang magagawa ng Tsina sa Pilipinas sapagkat kailangan ng bansa ang infrastructure, tulad ng paliparan. Napapanahon umanong lumahok ang Pilipinas sa Asian Infrastructure and Investment Bank na pinamumunuan ng Tsina. Umaasa si Ginoong Estrada na mapapadali ang pagpapaunlad ng mga pagawaing-bayan sa nalalapit na panahon.

Isa umanong magandang halimbawa ang nagawa ng Tsina na ngayo'y maaaring nangungunang economic power sa daigdig.

Naniniwala ang dating pangulo na ang pinakamagandang foreign policy ng Pilipinas ay ang pakikipagkaibigan sa mga kalapit-bansa sa Asia, tulad ng Tsina. Kahit pa umano nakarating na sa international tribunal ang isyu, kailangang maging praktikal ang Pilipinas at kailangang pag-usapan ng mahinahon ang mga 'di pagkakaunawaan.

Makakatulong din umano ang Tsina sa larangan ng pagsasaka. Hindi niya maunawaan kung bakit kailangang mag-angkat ng bigas. Mayaman ang lupain ng Mindanao subalit hindi mapakinabangan dahilan sa mga rebeldeng Muslim. Sa Luzon naman ay mayroong insurgency dahilan sa mga rebeldeng mula sa New People's Army. Ginawa na umano ng pamahalaan ang lahat kaya't naiwan na ang Pilipinas, tulad ng Malaysia, Singapore at Thailand.

Hinggil sa Bangsamoro Basic Law, nananalangin siyang magtagumpay subalit hindi siya umaasang magtatagumpay ito. Pinagtangkaan umano ng kanyang pamahalaang makipagkaibigan sa mga MILF subalit walang naganap na anumang kapayapaan.

Ito umano ang dahilan kaya't iniutos niya ang "all-out war" laban sa mga MILF.

Ipinangako rin ni G. Estrada na magpapatuloy ang paggunita sa mga nasawing turista mula sa Hong Kong may limang taon na ang nakalilipas. Magaganap ang paggunita samantalang siya pa ang punonglungsod ng Maynila.

Binanggit ni Mayor Estrada na hindi siya tatakbo sa panguluhan sa 2016 sapagkat marami pang gagawin sa Lungsod ng Maynila. Sa tanong kung sino ang inaakala niyang magwawagi sa darating na halalan, sinabi ni G. Estrada na kung sinoman ang kanyang iiendorso ang siyang magwawagi sa panguluhan.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>