Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, mamumuno sa National Heroes Day

(GMT+08:00) 2015-08-28 20:02:13       CRI

MANGUNGUNA si Pangulong Bengino Simeon C. Aquino III sa paggunita ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City sa darating na Lunes.

Makakasama niya ang mga nangungunang opisyal ng pamahalaan, mga kawal at enlisted personnel ng Armed Forces of the Philippines, mga kasapi sa diplomatic corps at mga beteranong kabilang sa Veterans Federation of the Philippines.

Ayon kay Col. Benjamin Hao, tagapagsalita ng Philippine Army, bibigyan si Pangulong Aquino ng full military honors ng mga kinatawan ng Philippine Air Force, Philippine Navy at Philippine Army.

Ipinagdiriwang ang National Heroes Day sa pinakahuling Lunes sa buwan ng Agosto upang parangalan ang mga nagbuwis ng buhay sa digmaan, at mga naglilingkod sa larangan ng disaster response.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>