Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Matinding traffic sa Metro Manila, nakasasama sa madla

(GMT+08:00) 2015-09-14 18:22:13       CRI

HINDI lamang mga kumpanya ang nahihirapan sa matinding daloy ng trapiko sa Metro Manila kungdi pati mga manggagawa ay nahihirapan din sa karaniwang karanasan sa paglalakbay tungo sa kanilang trabaho.

TRAFFIC, SALOT SA MANGGAGAWA.  Ipinaliliwanag ni G. Roger Saluto, vice chairman ng Kilusang Mayo Uno na matinding salot sa mga manggagawa ang traffic.  Sa halip na makapagpahinga ang mga manggagawa, kailangang makipagbuno ng apat na oras bago makarating sa trabaho at sa kanilang tahanan.  Kailangang paghusayin ang mass transport sa Pilipinas, dagdag pa ni G. Saluto sa "Tapatan sa Aristocrat."  (Melo M. Acuna)

Sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga, sinabi ni G. Roger Saluto, vice chairman ng Kilusang Mayo Uno na sa halip na makapagpahinga ang mga manggagawa sa kanilang mga tahanan at makasama ang kanilang mga pamilya ay nagugugol pa nila ang apat na oras sa pakikipagbuno sa matinding traffic na inerereklamo na ng karamihan.

MGA NEGOSYANTE AT MAY KUMPANYA, REKLAMO RIN SA TRAFFIC.  Malaki ang nawawala sa kalakal at sa bansa dahil sa traffic.  Ayon kay G. Sergio Ortiz-Luis,Jr. ng Philippine Chamber of Commerce and Industry at Employers Confederation of the Philippines, kailangang kumilos ang pamahalaan sa pagpapatupad ng batas at paggawa ng mga bagong lansangan.  (Melo M. Acuna)

Ayon kay G. Sergio Ortiz-Luis, Jr., honorary chairman ng Philippine Chamber of Commerce and Industry at Employers Confederation of the Philippines, apektado rin ang productivity ng kanilang mga mangagawa.

Idinagdag pa ni G. Ortiz-Luis na kung nabawasan ang mga paglabag sa batas trapiko, tumingkad na ngayon ang kakulangan ng mga lansangan sa Metro Manila. Nauunawaan niya kung bakit walang kontrobersya sa Department of Public Works and Highways sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Rogelio Singson.

Ani G. Ortiz-Luis, marapat lamang na walang kontrobersya sapagkat wala namang nagawa upang madagdagan ang mga lansangan sa Metro Manila.

Nakalulungkot ang ganitong karanasan, dagdag pa ni G. Saluto sapagkat sa halip na paghusayan ng pamahalaan ang pagpapayabong ng mass transport, kamakailan ay nagsabing maglalabas na lamang ng excuse slip ang Light Rail Transit at Metro Rail Transit sa pagkabalam ng mga tren sa naglalakbay sa Metro Manila.

Nagbabala naman si Dr. Teodoro Herbosa na isang malaking hamon ang trapiko sa kalusugan ng mga mamamayan sapagkat may mga taong hindi na nakarating sa pagamutan samantalang lulan ng mga ambulansya sa tindi ng traffic sa Metro Manila

Isa umanong kumpanya ng mga ambulansya ang tumangging magsakay ng mga maysakit sa pangambang mamatay sa kanilang pasilidad dahil sa traffic. Hindi lamang ganitong situwasyon ang kinakaharap ng mga maysakit. Kahit ang malulusog na tao ay maaaring magkasakit sa kanilang pagpigil na ihi dahil sa traffic.

Magkakaroon ng pagtaas ng bilang ng mga magtataglay na urinary track infection at baka mauwi pa sa sepsis o pagkakalason ng dugo. Ang paggugol ng mahabang oras na nakaupo ay maihahalintulad sa pinsalang idudulot ng matagalang paninigarilyo.

Sinabi naman ni Engr. Alberto Suansing, dating chairman ng Land Transport Franchising and Regulatory Board at administrador ng Land Transportation Office, ang kawalan ng disiplina ang isang matinding dahilan ng traffic. Sa ibang bansa, pinadadaan ng mga sasakyan ang mga ambulansya at mga bumbero na tumutugon sa mga emergencia.

Sa Pilipinas, ayon kay G. Suansing, sumusunod pa ang mga pribadong sasakyan sa mga ambulansya at mga bumbero upang higit na madali sa kanilang paglalakbay. Kailangang pagbalik-aralan na ang mga masamang gawing ito ng mga tsuper. Binanggit din niya ang pagkakaroon ng ilang libong prangkisa ng mga bus. Mas makabubuting magkaroon na lamang ng dalawa o tatlong kumpanya ng bus sa Metro Manila.

Para kay G. Carlos Yturzaeta, higit na makabubuting pagtutuunan ng pansin ang mga sinaunang master plans ng mga nakalipas na taon na tumutugon sa pangangailangan ng madla.

Ikinalulungkot ni G. Yturzaeta ang kawalan ng matagalang plano ang mga pamahalaan sapagkat nakatuon lamang sa anim na taon ng kanilang panunungkulan. Nais silang magunita sa kanilang pamumuno sa bansa sa kanilang term of office.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>