|
||||||||
|
||
Mas malaki ang kita ng pagmimina kaysa ekonomiya ng bansa
SA pagtatapos ng pandaigdigang pulong sa pagmimina ngayon ng itinaguyod ng Philippine Chamber of Mines, sinabi ng research group na IBON na ang ibang bansa ay mas malaki ang kita mula sa large-scale mining sa Pilipinas kaysa sa local economy.
Sa tatlong araw na pandaigdigang pulong sa Solaire Resort Hotel and Casino sa Metro Manila at nakatuon sa papel ng pagmimina sa Pilipinas sa kaunlaran ng bansa at sa pandaigdigang ekonomiya.
Ayon sa IBON, 97% ng mineral production ang natutungo sa pandaigdigang mga industriya dahilan sa export-oriented nature ng pagmimina sa Pilipinas. Sumusuporta ito sa industrialisasyon at kita sa halip na magpaunlad ng industriya sa Pilipinas.
Ang pinakamalalaking kumpanya ng pagmimina sa Pilipinas ay mula sa Estados Unidos, Australia, Canada, Norway, Switzerland at Tsina. Samantalang mahalaga ang pagmimina sa ekonomiya, ang pagmimina sa Pilipinas ay mas mahalaga sa ekonomiya ng ibang bansa.
Ang ikalawa sa pinakamalaking gumagawa ng kotse sa daigdig, ang Estados Unidos, ay gumagamit ng 40 hanggang 60% na mineral components. Ang computer chips at iba pang electronic products ang gumagamit ng 60% ng mga mineral. Sa bawat dolyar sa final output, ang pagmimina ay nakaka-ambag sa 45 sentimos sa electrical equipment at 42 cents para sa makinarya. Ang lahat ng industriyang gumagamit ng mga mineral ang nakaka-ambag ng US$ 2.5 trilyon sa Gross Domestic Product ng Estados Unidos.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |