|
||||||||
|
||
House of Representatives, nagsimula na ng plenary session sa budget
SINIMULAN na ang debate sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ang panukalang budget para sa 2016 na napapaloob sa House Bill 6132 o General Appropriations Bill na nagkakahalaga ng P 3.002 trilyon.
Sinimulan ito sa sponsorship speech ni Congressman Isidro Ungab ng Davao City, Chairman ng Committee on Appropriations na nagsabing umaasa siyang maipapasala ang panukalang-batas sa takdang panahon tulad noong naganap sa nakalipas na limang taon.
Ang panukalang budget ay mas mataaas ng 15.2 % o P396 bilyon kay sa 2015 budget at masasabing 19.5% ng Gross Domestic Product mula sa 18.7% ng GDP ngayong 2015.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |